^

PSN Showbiz

KC gagamitin na ang utak sa susunod na ma-in love

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakakaaliw ang question and answer na ginawa ni KC Concepcion sa kanyang followers sa Twitter kahapon kahit wala namang kontrobersiyal na tanong. May mga nagpabati rin sa ilang Asian countries gaya ng Thailand at Indonesia.

Isa sa mga tanong ay kung ano ang pinaka-memorable moment nila ni Sarah Geronimo at sagot ni KC, ’yun ’yung time na magkasama sila sa Ipanema Beach. Kung sakaling lalayas siya ngayon ng bansa, gusto niyang magkaroon ng all-Indian adventure kasama ang kanyang mga kapatid.

Bukod sa tanong at bati, ang beauty regiments, pagkain, pati eksena sa Huwag Ka Lang Mawawala ay natanong. Nagsu-sorry daw si Sam Milby after na sampalin siya sa isang eksena. Natatawa naman siya kung minsan after masampal ni Judy Ann Santos, huh!

Pagdating naman sa pag-ibig, lots of kisses at quality time ang sweetest thing na naibigay ng minahal niyang lalaki. This time na ma-in love siya, ang gamitin ang utak at puso at mag-enjoy ang gusto niyang mangyari.

Kung magkakaroon naman ng 1M USD si KC, isang yate ang kanyang bibilhin para sa pamilya at kaibigan. Hindi rin siya umaalis ng bahay na hindi dala ang kanyang purse dahil laman nito ang lahat ng importante sa kanya.

Eh may nagtanong kung nagawa na niyang umutot sa harap ng isang lalaki. Tweet ni KC, “Unfortunately not! Hahaha!

Papuntang Laguna si KC that time na sumasagot siya sa tweets upang makipag-bonding sa family.

Mga Kimerald na galit kay Xian natameme na

Susubukan muli ng Star Cine-ma na sugalan si Kim Chiu sa pelikulang Bakit Di Ka Crush ng Crush Mo? kahit hindi si Gerald Anderson ang kanyang kapareha kundi si Xian Lim. Wala mang direktang tugon si Kim sa pagkakaroon nila ng relasyon ni Xian, ang aktor ang naging shoulder to cry on niya nung panahong namimighati siya sa pagkamatay ng ina.

Nagtataka lang kami sa mga loyalist ng Kim-Gerald dahil tahimik sila ngayon sa pagsasama sa big screen nina Kim at Xian. Walang patayan, sabugan, o ’di kaya’y mapanakot na e-mails ha?

Dati-rati, hate na hate nila si Xian bilang kapareha ni Kim. Non-stop ang hate e-mails na aming natatanggap. Eh mukha namang giliw na giliw na si Kim kay Xian komo nga ang madalas na pagpapatawa sa kanya ay isa sa ugaling nagustuhan niya sa aktor.

Sa showing ng movie nila, malalaman natin kung tuluyan na ngang naglaho na sa bula sa tambalang Kim at Gerald.

 

 

vuukle comment

BAKIT DI KA CRUSH

CRUSH MO

GERALD ANDERSON

HUWAG KA LANG MAWAWALA

IPANEMA BEACH

JUDY ANN SANTOS

KIM

KIM CHIU

MGA KIMERALD

XIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with