PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kahit may isyung pipirma uli ng kontrata sa GMA 7 Lovi tuloy na sa TV5?

Bukas ang sche­duled pictorial ng Min­san May Isang Anak, ang bagong teleserye ng TV5, kung saan, isa si Lovi Poe sa cast. ‘Pag hindi na-re­new ng kontrata sa GMA Network ang aktres today at dumating sa pictorial bukas, alam na kung aling network ang pinili nito.

May tinanong kasi kami kung totoong magre-renew na ng kontrata si Lovi sa GMA Network this Thursday at “not true” ang sagot. May nagbalita naman sa amin na sa storycon ng Minsan May Isang Anak last week, dumating ang handler ni Lovi at may dialogue sa taga-TV5 na “finally, matutuloy na rin tayo.”

Anyway, para masagot ang mga tanong natin, maghintay tayo kung may contract signing na mangyayari today at kung darating si Lovi sa pictorial bukas. Kasama rin pala sa cast ng teleserye ng TV5 si Nadine Samonte at si Jay Altarejos ang director.

Andrea nae-excite kay Christian

Nasulat na ngayong araw magre-renew ng kontrata sa GMA Network si Lovi Poe, pero ang alam naming pipirma ng kontrata ngayon ay si Andrea Torres. Three plus three ang kontrata niya na ibig sabihin, may option ang network na i-renew siya for  another year. Okay kay Andrea ang matagal na kontrata dahil wala siyang balak umalis sa Ch. 7 dahil maganda ang trato sa kanya at binibigyan siya ng projects.

 In fact, malapit na ang storycon ng next soap niya, ang rom-com series na With a Smile kasama sina Mikael Daez at Christian Bautista. Ang alam ni Andrea, si Louie Ignacio ang magdidirek ng rom-com series na hindi niya sure kung pang-Afternoon Prime o pang-telebabad.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Looking forward si Andrea to be working with Christian na na-meet niya nang siya’y mag-audition. Happy naman siya to be working again with Mikael dahil alam niyang may mga nagre-request na pagtambalin uli sila after Sana ay Ikaw na Nga.

Inintriga namin si Andrea na okey pa rin ba sa kanyang makatambal si Mikael kahit noong Cosmo Bash, hindi ito tumupad sa usapan nila? Pinapunta raw ni Mikael si Andrea sa Cosmo Bash at kukunin siya sa audience, paakyatin sa stage bilang promo na rin sa love team nila.

Nag-effort si Andrea na mag-ayos at pumunta sa World Trade Center, naloka lang ito dahil ibang babae ang inakyat ni Mikael sa stage. Ang tsika, baka iniwasan nitong magselos si Megan Young na nasa event din that night. Hahaha!

Birthday ni Andrea sa May 4, at advance birthday gift daw sa kanya ang new show. Ang goal nito’y magkaroon ng award at magkaroon ng title.

Barbie kasama sa pagbabalik ng Anna Karenina

Hindi naman pala pinababayaan ng GMA Network si Barbie Forteza dahil isa siya sa bida sa remake ng Anna Karenina. Ang dalawa pa’y sina Joyce Ching at Krystal Reyes. Hindi lang namin alam kung sino sa kanila ang gaganap sa role ni Antoniette Taus, Kim delos Santos, at Sunshine Dizon.

Makakapareha ni Barbie si Derrick Monasterio, narito rin sina Ruru Madrid at Julian Trono. Si Ruru ang partner ni Joyce at si Julian ang partner ni Krystal, tama  ba kami? 

Jopay tuloy ang buhay matapos maudlot ang kasal

Ipinagtanggol ni Jopay Paguia ang mga bagong kasama sa Sexbomb na minsan nabanggit ni Rochelle Pangilinan na ‘di namamansin at dinadaan-daanan lang siya ‘pag nagkikita-kita sila sa Party Pilipinas.

Sabi ni Jopay, baka nahihiya lang bumati ang mga kasama niya kay Rochelle dahil iba na ang level nito, pero mababait daw ang new members ng Sexbomb. Kapag makilala ni Rochelle ang mga ito, matutuwa rin siya.

Nakita namin si Jopay sa presscon ng Cassandra: Warrior Angel, kung saan, kasama siya sa cast. First teleserye niya ito sa network at masaya siyang balikan ang pag-arte. Nawala siya dahil nag-focus sa business niyang pet shop na sarado na ngayon at food cart business ang tinutulungan.

Loveless si Jopay after hindi matuloy ang kasal nila ni Joshua Zamora ng Manuevers, pero friends pa rin sila. Naintindihan niya kung bakit hindi natuloy ang plinanong kasal at wala siyang galit sa ex-fiance. Tuloy ang buhay kay Jopay!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: