^

PSN Showbiz

Cristine nagpapaka-pribado na!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Ayaw nang magkomento nina Lovi Poe at Rocco Nacino sa isyu ng Party Pilipinas sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Wala na raw silang masabi tungkol diyan dahil ang mga executives ng Party Pilipinas ang humarap sa Chairman at ilang board members ng MTRCB. Kaya naglabas sila ng public apology kamakalawa lang bago nagsimula ang naturang programa.

Si Direk Mark Reyes ang humarap sa MTRCB at personal na humingi ng paumanhin sa ginawa nila sa episode na iyun.

Pagkatapos nang pagharap nila ay narinig naming isususpendi daw muna si Direk Mark, pero pinabulaanan naman ito ng mga taga-Party Pilipinas.

PAK: Nasalubong namin ang Starstruck avenger at taga-Survivor din na si Ian Batherson sa isang Japanese coffee shop kamakalawa ng gabi at nagulat kami na ang galing-galing na niyang mag-tagalog.

Ang Backroom, Inc. na raw ngayon ang nagma-manage sa kanya at iyun daw ang unang inayos sa kanya.

Kasali si Ian sa pelikulang Kung Fu Divas nina AiAi delas Alas at Marian Rivera. Pero hindi siya leading man ng dalawa. Partner daw siya ni Melai Cantiveros.           

Wala yatang leading man sina AiAi at Marian dahil iba ang kuwento nito na ikinaloka ni Marian dahil doon lang daw niya nakita na ibang klase raw palang magpatawa si AiAi.

BOOM: Muling nagkita-kita ang grupo ng Starstruck batch 1 noong isang gabi na ginanap sa Chelsea bar sa Serendra.

Si Cristine Reyes ang nag-treat dahil ka­a­rawan niya. Dumalo sina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Katrina at Sheena Halili, Yasmien Kurdi, Dion Ignacio, at Alvin Aragon.

Natunugan ito ng ilang media, pero hindi sila nakapag-cover dahil mas gusto ni Cristine na very private ang kanilang pagtitipon.

Balak daw nilang dalasan ang pagkikita, at may pinaghahandaan na sila sa kanilang 10th anniversary sa October.

 

vuukle comment

ALVIN ARAGON

ANG BACKROOM

DION IGNACIO

DIREK MARK

IAN BATHERSON

JENNYLYN MERCADO

KUNG FU DIVAS

PARTY PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with