23 tankers sa Class C wagi ng MOS
PSL-Lions Swim Meet
MANILA, Philippines — May 23 tankers ang ginawaran ng Most Outstanding Swimmer (MOS) awards sa Class C ng 129th Philippine Swimming League (PSL) National Series - Lion’s Swim Challenge na ginanap sa Rizal Memorial Sports Complex swimming pool sa Malate, Manila.
Nangunguna sa listahan si Wisenheimer Academy standout Mikhaela Bliss Dula na nasungkit ang MOS award sa girls’ 9-year class.
Nauna nang nasungkit ng kanyang nakatatandang kapatid na si Marc Bryan Dula ang MOS trophy sa boys’ 10-year event sa Elite Class ng torneong suportado ng TYR Philippines.
Nakisalo sa tagumpay sina Arwen Sky Nilo (6), Euna Martina Alindayu (7), Portia Belo (8), Vianka Togores (10), Dianne Chezca Mijares (11), Chellsie Maine Ramirez (12), Patricia Ann Donato (13), Jan Ysabella De Mesa (14) at Nastassja Ariele Braceros (15-over) sa girls’ class.
Sa boys’ division, pare-parehong itinanghal na MOS sina Paolo Andrei Donato, Mhike Lorenz Sevilleja at Gabriel Niegas sa 11-year category gayundin sina Jude Gapultos at Kyle Apigo na pinagsaluhan ang unang puwesto sa seven-year event.
Nakahirit din ng MOS award sina Nathaniel Capua (6-under), Lou Christopher Ching (8), Robert Angelo Borenes (9), Francis Luke Ebcas (10), Joaquin Antonio Aquino (12), Jorg Ozzi Maximus Maligat (13), Christian Niegas (14) at Isaac Arabes (15-over).
“It has always been said that the youth is the hope of the nation and it’s the reason why we are focusing on the youth by providing them with an endeavor that would guide their path towards becoming assets of society,” ani PSL President Susan Papa.
Inaasahang papangalanan ng PSL sa mga susunod na linggo ang mga swimmers na nagkwalipika para sa Summer World University Games na gaganapin sa Naples, Italy sa susunod na taon.
- Latest