So, Dutch GM naghati sa puntos
MANILA, Philippines — Naka-draw si Grandmaster (GM) Wesley So sa seventh round upang manatili sa ikalawang puwesto sa prestihiyosong 2018 Tata Steel chess tournament na ginaganap sa Hiversum, Netherlands.
Nakihati sa puntos si So kay GM Anish Giri ng Netherlands para manatiling buhay ang kaniyang tansang maipagtanggol ang titulo.
Nakatali sa four-way tie sa No. 2 sina So, Giri, GM Vladimir Kramnik ng Russia at three-time Tata Steel titlist GM Magnus Carlsen ng Norway hawak ang tig- 4.5 puntos.
Nasa solong pamumuno pa rin si GM Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan sa torneong may nakalaang tumataginting na €10,000 para sa magkakampeon at €6,500 naman sa runner-up.
Pinataob ni Mamedyarov si GM Wei Yi ng China habang namayani si Carlsen kay GM Hou Yifan ng China at kumana rin ng importanteng panalo si Kramnik kontra naman kay GM Viswanathan Anand of India sa kani-kanilang seventh-round games.
- Latest