^

PSN Palaro

Alab Pilipinas susukatin ang Indonesia

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon  (GOR CLS Kertajaya Gym, Surabaya, Indonesia)

8 p.m.  Alab Pilipinas   vs.   Indonesia CLS Knights 

MANILA, Philippines — Target ng Tanduay-Alab Pilipinas ang pang-limang panalo sa kanilang paghaharap laban sa Indonesia CLS Knights ngayon sa pagpapatuloy ng 2017-2018 ASEAN Basketball League sa GOR CLS Kertajaya Gym sa Surabaya, Indonesia.

Nakuha ng Pinoy team ang pang-apat na panalo sa walong laro matapos tambakan ang Thailand Mono Vampire, 114-87 noong Linggo ngunit hindi pa ito sapat para umangat sa standing at nanatili pa rin sa pang-anim na puwesto sa likuran ng nangunguna at nagdedepensang Hong Kong Eastern Lions (8-1), Chong Son Kung Fu ng China (4-1), Mono Vampire (6-4), Saigon Heat (4-3) at Singapore Slingers (5-5).

Kaya kailangang manalo ang tropa ni Jimmy Alapag laban sa Indonesia CLS Knights sa kanilang pagtatagpo ngayong alas-8 ng gabi para umangat sa pang-apat na puwesto. Ang Indonesian team ay nasa pang-walong upuan sa 1-6 record.

Tiyak na pangungunahan uli nina imports Justin Brownlee at Renato Balkman ang Pilipino team sa tulong nina Bobby Ray Parks Jr. Josh Urbiztondo, heritage import Lawrence Domingo at dating PBA stars Dondon Hontiveros at Rico Maierhofer.

“We are aiming for our second back-to-back win. And we need the support of everybody. We have a strong team here and a good coaching staff, it’s just that we need to be more fluid in our defense,” sabi ni Brownlee, ang resident import ng Barangay Ginebra. 

Sa laro nila laban sa Thailand Vampire, nagpasiklab sina Brownlee, Urbiz­tondo, Parks at Pamboy Raymundo ng kabuuang 14 triples kaya inaasahang tuluy-tuloy na ang kanilang magandang opensa at depensa upang abutin ang Hong Kong Eastern Lions at Chong Son Kungfu sa leaderboard.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with