^

PSN Palaro

Lady Altas nasolo ang 3rd spot

Pilipino Star Ngayon
 Lady Altas nasolo ang 3rd spot

    Hinataw ni Cindy Imbo (2) ng Perpetual Help Lady Altas ang bola sa harap nina Jean Pablo (8)  at Yvonne Tasis (7) ng EAC Lady Generals sa tagpong ito sa NCAA Season 93 women’s volleyball tournament.
 

MANILA, Philippines — Dumaan sa butas ng karayom ang University of Perpetual Help System Dalta bago itakas ang pahirapang 22-25, 25-19, 25-14, 23-25, 15-13 panalo laban sa Emilio Aguinaldo College upang masolo ang No. 3 spot sa NCAA Season 93 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Binanderahan ni Cindy Imbo ang atake ng Lady Altas nang kumana ito ng 17 puntos kabilang ang importanteng mga puntos sa fifth set at 23 digs upang tulungan ang kanyang tropa na makuha ang ikatlong panalo sa apat na laro.

Naging katuwang ni Imbo si middle blocker Maria Lourdes Clemente na umiskor ng 15 markers tampok ang anim na blocks at si team captain Maria Aurora Bianca Tripoli na gumawa rin ng 15 puntos.

Naasahan din sina substitute Hershey Llorente at Allyssa Sangalang na may pinagsamang 21 puntos gayundin si Necelle Mae Gual na may 41 excellent sets para sa Perpetual Help.

Malaking pasakit para sa Lady Altas ang kanilang 42 nagawang errors na siyang naging dahilan upang makadikit ang Lady Gene­rals.

Wala pa ring panalo ang Emilio Aguinaldo sa apat na laro.

Nanguna para sa Lady Generals si Aira Binondo na nagsumite ng 13 puntos.

Sa men’s division, pinataob ng Perpetual Help ang Emilio Aguinaldo, 25-14, 25-19, 25-11 para samahan ang Arellano University sa unahan ng standings bitbit ang 4-0 marka.

Sa juniors, nakabawi ang Emilio Aguinaldo nang sorpresahin nito ang reigning titlist Perpetual Help, 25-18, 25-23, 27-25  para kubrahin ang kanilang ikatlong sunod na panalo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with