^

PSN Palaro

Buwenamano ng Skippers

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ginamit ng Marinerong Pilipino ang kanilang karanasan para maka-eskapo laban sa Zark’s Burger-Lyceum, 94-92 kahapon sa pagbukas ng 2018 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

 Lumamang ng mahigit 17 puntos ang  Skippers, 56-39 sa ikatlong yugto ngunit hindi nila napigilan ang pagbulusok ng Zark’s sa arangkada nina Mike Nzeusseu at  CJ Perez.

Pero hindi rin nagtuluy-tuloy ang momentum ng Lycuem at nag-mintis pa si Perez sa triple sa huling yugto na siyang nagbigay daan para kay Rian Ayonayon at Renzo Subido na mabawi ang bentahe mula sa kanilang free-throws.

Umani si Subido ng 20 points, limang assists  at tatlong rebounds para sa Skippers habang si Ayonayon ay umiskor ng 15 puntos na may kasamang tatlong rebounds at  dalawang assists.

Bukod kay Subido at Ayonayaon, tumulong din si Papot Paredes ng double-double sa kanyang 14 puntos, anim na assists at apat na steals para sa magandang umpisa ng mga Marinerong Pinoy.

Samantala, pinangunahan naman nina PBA officer-in-charge Willie Marcial at PBA vice chairman Dickie Bachmann ng Alaska ang opening ceremonies ng ikawalong season ng D-League.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with