^

PSN Palaro

Lady Altas diniskaril ang Lady Stags

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
 Lady Altas diniskaril ang Lady Stags

Hinatawan ni Cindy Imbo ng Perpetual Help si  Marielle Dalisay ng San Sebastian. Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Mabilis na nakabalik sa porma ang University of Perpetual Help System Dalta upang pigilan ang San Sebastian College-Recoletos, 25-22, 25-23, 7-25, 18-25, 15-11 tungo sa pagkopo ng ikalawang panalo sa NCAA Season 93 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Muling nangibabaw si Maria Lourdes Clemente nang humataw ito ng 15 puntos kabilang ang apat na blocks habang nakatuwang nito si Cindy Imbo na nagdagdag naman ng 14 puntos tampok ang tatlong aces.

Nagparamdam din si team captain Bianca Tripoli na naglista ng 12 markers at Jowie Albert Verzosa na kumana naman ng siyam na puntos – tatlo mula sa blocks at dalawang aces.

Sumulong ang Lady Altas sa 2-1 rekord para saluhan sa No. 4 spot ang Jose Rizal University na may parehong marka.

Bagsak sa 1-2 ang Lady Stags.

Nasayang ang pinaghirapang 22 puntos ni Daurene Santos gayundin ang 16 ni Dangie Encarnacion, 15 ni Joyce Sta. Rita at 12 ni Nikka Dalisay.

Hawak na sana ng Lady Altas ang momento matapos kubrahin ang 2-0 kalamangan.

Subalit hindi nakasabay ang Perpetual Help sa ma­lakas na puwersang  inilatag ng San Sebastian sa third set na sinabayan pa ng kaliwa’t kanang errors sa fourth set para maipuwersa ng Lady Stags ang deciding fifth set.

Agad na nagising ang Lady Altas sa pangunguna nina Clemente at Imbo para tuluyang tuldukan ang paghahabol ng Lady Stags.

Sa unang laro, sumampa sa win column ang Lyceum of the Philippines University makaraang pataubin ang Mapua University sa bendisyon ng 26-24, 24-26, 25-21, 25-17 panalo.

Bida sina Elaine Juanillo at Mary Jane Sevilla nang pareho itong pumalo ng 18 puntos para buhatin ang Lady Pirates sa 1-2 baraha.

Bumulusok sa ilalim ng standings ang Lady Cardinals hawak ang 0-3   kartada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with