^

PSN Palaro

Heat tinusta ang Jazz

Pilipino Star Ngayon

MIAMI MANILA — Isinalpak ni Josh Richardson ang mahalagang layup sa natitirang 5.1 segundo para kumpletuhin ang pagbangon ng Heat mula sa eight-point deficit sa fourth period at talunin ang Utah Jazz, 103-102.

Naimintis ni Donovan Mitchell ang kanyang jum­per sa pagtunog ng final buzzer sa huling posesyon ng Jazz.

Umiskor sina Tyler Johnson at Goran Dragic ng tig-16 points para sa ikaapat na sunod na ratsada ng Miami na kanilang pinakamahaba sapul noong Nobyembre ng 2012.

Nag-ambag sina Ri­chardson at Hassan Whiteside ng tig-14 points  habang may 12 markers si Kelly Olynyk.

Humugot naman si Mitchell ng 19 sa kanyang 27 points sa second half  ngunit nabigong pigilan ang pitong sunod na kamalasan ng Utah.

Tumipa si Rodney Hood ng 17 points kasunod ang 13 at 11 markers nina Thabo Sefolosha at Derrick Favors, ayon sa pagkakasunod.

Kinuha ng Jazz ang eight-point lead sa huling 6:59 minuto ng fourth period at bitbit ang five-point advantage sa nalalabing dalawang minuto bago maglunsad ang Heat ng 8-2 atake para agawin ang panalo.

Tumawag ng timeout ang Miami sa natitirang 7.8 segundo na nagresulta sa salaksak ni Richardson.

Sa Dallas, kumana si Kristaps Porzingis ng 29 points habang isinalpak naman ni Jarret Jack ang panablang basket may 31.2 segundo ang nalalabi ang nagtakas sa New York Knicks sa 100-96 panalo laban sa Mavericks.

Tumapos si Kyle O’Quinn ng 15 puntos at 11 rebounds at nag-ambag naman si Enes Kanter ng 13 points at 18 boards para sa Knicks, tinapos ang kanilang tatlong dikit na kamalasan at ipalasap naman sa Mavericks ang kanilang ikatlong dikit na pagkatalo sa sariling bakuran.

Sa iba pang laro, tinalo ng Phoenix Suns ang Oklahoma City Thunder, 114-100; tinakasan ng Portland Trail Blazers ang San Antonio Spurs, 111-110 at dinaig ng Los Angeles Lakers ang Atlanta Hawks, 132-113.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with