^

PSN Palaro

Tanduay-Alab Pilipinas reresbakan ang Singapore Slingers

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hangad ng Tanduay-Alab Pilipinas na bumawi sa Singapore Slingers sa kanilang pagtatagpo nga­yon sa pagpapatuloy ng 2017-2018 ASEAN Basketball League sa OCBC Arena sa Singapore.

Matapos iangat ang Filipino team sa 90-79 panalo laban sa Malaysia Westports Dragons noong Miyerkules, inaasahan na muling pangungunahan nina imports Justin Brownlee at Renaldo Balkman ang Alab-Pilipinas laban sa Slingers sa alas-4 ng hapon sa homecourt ng kalaban.

Ito na ang ikalawang pagtatagpo ng Alab Pilipinas at Slingers kung saan inilampaso ang tropa ni head coach Jimmy Alapag sa kanilang homecourt, 83-97 noong Nob­yem­bre 29 sa Sta. Rosa, Laguna.

Pero iba na ang dalawang imports ng Filipino team sa pamamagitan nina Brownlee na umiskor ng 29 puntos at Balkman na umani ng 17 puntos   sa una nilang laro kahit may jetlag pa dahil sa mahabang biyahe.

Dahil sa panalo laban sa Westports Dra­gons, umangat ang Alab Pilipinas sa pang-limang puwesto sa 2-3 win-loss kartada sa likuran ng na­ngungunang Hong Kong Eastern Lions (7-0), Chong Son Kung Fu (3-0), Mono Vampire (4-3) at Singapore Slingers (3-4).

Kung manalo ang koponan ni coach Alapag aakyat sila sa pang-apat na puwesto sa 3-3 record habang malalaglag naman ang Slingers sa pang-lima sa 3-5 card kaya importante sa kanila ang labang ito.

“It’s the greatest place I’ve played in the world. You know playing in Europe and in the States for a couple of years but I just love it here and the fans are great. I just love it here and the fans are great. They love me and I love them back,” sabi ni Brownlee ang resident import ng Barangay Ginebra sa kanilang back-to-back championship crown sa PBA Governor’s Cup nakaraang taon.

“Whenever I have the opportunity to play, I’ll definitely try to see and take that opportunity,” dagdag ni Brownlee.

Makakaharap nina Brownlee, Balkman, Jo­shua Urbiztondo at Dondon Hontiveros ang mga imports ng Singapore na sina Xavier Alexander at Ryan Wright at dating PBA asian import na si Alfred Mandani.

Ang ibang panalo ng Alab Pilipinas ay sa Formosa Dreamers, 78-61 noong Disyembre 16 sa homecourt ng Taiwanes team.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with