PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pagbabalik ng World Cup sa Asia umani ng papuri sa FIBA

MANILA, Philippines — Hindi lamang ang Pilipinas, Japan at Indonesia ang nagdiwang kundi maging ang buong Asya sa pamamahala ng nasabing three-country consortium para sa 2023 FIBA World Cup.

Pinuri ng FIBA, ang international basketball association, ang mga cage federations ng Pilipinas, Japan at Indonesia para sa nasabing pinakamahalagang pangyayari sa Asian basketball noong 2017.

Ito ang 'defining moment' ng taon para sa FIBA Asia.

Bagama't idaraos ang 2019 FIBA World Cup sa China ay muling iginawad ang hosting ng 2023 edition sa Asya -- isang pagpapatunay sa potensyal ng paglakas ng sport sa rehiyon.

Ito ang nagpakita sa kahalagahan ng Asian region sa international basketball.

Sinabi ng FIBA na ang pagbabalik ng World Cup sa Asia sa 2023 ay ang' biggest moment' sa rehiyon matapos ang pag-iisa ng Asian at Oceania basketball, ang malaking upsets sa FIBA Asia, ang pangingibabaw ng  Australia bilang bagong hari sa rehiyon, ang retirement ni Asian cage star Fadi El-Khatib at iba pa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Umiskor ang Korea ng road win laban sa New Zealand habang malalaking panalo ang itinala ng Iraq at Jordan laban sa kanilang mga higher-ranked foes.

Ito ang lalo pang nagpasabik sa mga fans para sa mga laro sa Asian qualifiers.

Ang 'groundbreaking event' noong 2017 ay ang inaugural window ng FIBA Basketball World Cup 2019 Asian Qualifiers na nangyari noong Nobyembre 23-27.

Sa unang pagkakataon ay 16 matches ang gagawin sa 14 magkakaibang venues kung saan winalis ng Pilipinas ang unang dalawa nilang laban kontra sa Japan sa Tokyo at Chinese Taipei sa Smart Araneta Coliseum.

Nagtala rin ang Australia ng mga tagumpay laban sa Japan at China ilang buwan matapos nilang pagharian ang FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: