^

PSN Palaro

Capacio, Altamirano kasama sa pagpipilian ng La Salle

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa paglisan ni Aldin Ayo, bukas ang pintuan ng De La Salle University sa bagong coach na hahawak sa prog­rama ng Green Archers para sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament.

Wala pang bagong statement ang La Salle tungkol sa umano’y pag­lipat ni Ayo sa University of Santo Tomas.

Wala pa rin namang kumpirmasyon na nanggaling mismo kay Ayo o sa kampo ng Growling Tigers.

Subalit ilang pangalan na ang lumutang na posib­leng pumalit sa puwesto ni Ayo.

Napaulat na isasama ni Ayo sina assistant c­oaches McJour Luib at Miggy Solitaria sa UST pero iiwan nito sina Louie Gonzales at Glenn Capacio na siyang mangangalaga sa transition period  sa La Salle.

Kaya naman Kabilang sina Gonzales at Capacio sa mga maaaring pumalit kay Ayo.

Lumutang din ang pa­ngalan nina multi-titled PBA coach Tim Cone at Richard Del Rosario.

Sinasabing magsisilbing consultant si Cone habang si  Del Rosario ang magsisilbing head coach ng Green Archers.

Tiniyak naman ni dating Rookie of the Year awardee Aljun Melecio na mananatili ito sa La Salle matapos ang kanyang kontrobersiyal na post na dalawang tigreng emoji sa Twitter.

“I am not leaving DLSU. The tiger emojis tweet had no meaning behind it,” ani Melecio na may ave­rages na 10.5 points, 2.7 rebounds, 2.6 assists at 1.0 steal sa Season 80.

Nauna nang namaalam si two-time UAAP MVP Cameroonian Ben Mbala.

Maingay din ang pa­ngalan ni Eric Altamirano na posibleng maging mentor ng Green Archers.

Anim na taong hinawa­kan ni Altamirano ang National University kung saan nabigyan nito ng korona ang Bulldogs noong 2014.

Kasalukuyan itong assistant coach ng Alaska sa PBA.

Ang anak nitong si Anton Altamirano ang siyang humahawak sa Team B ng La Salle base na rin sa rekomendasyon ni businessman Danding Cojuangco - ang pangunahing tagasuporta ng La Salle.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with