^

PSN Palaro

Alab Pilipinas nakatikim na ng panalo

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Pinabagsak ang Formosa Dreamers

MANILA, Philippines — Sa wakas pumasok na rin ang Alab Pilipinas sa win column matapos ilampaso ang Formosa Dreamers, 78-61 kaha­pon sa pagpapatuloy ng 2017 ASEAN Basketball League sa Changhua Stadium sa Changhua City, Taiwan.

Umiskor ang import na si Reggie Okosa ng 19 puntos na may kasamang 19 rebounds para punuan ang pagkawala ni Ivan Johnson dahil sa back injury tungo sa unang panalo ng Pinoy cagers makaraan ang tatlong talo.

Tumulong din ng tig-12-puntos sina Bobby Ray Parks Jr. at Josh Urbiztondo para iangat ang Alab Pilipinas sa sosyohan mula ika-anim hanggang ika­walong puwesto sa parehong 1-3 win-loss kartada.

“We just really had to get the win. It was a must-win for us. We lost two games against the champions (Hong Kong) and one game against the runner-up (Singapore),” sabi ni Okosa.

Kahit teritoryo ng kalaban, hindi nagpatinag sina Dondon Hontiveros, Parks at Rico Maierhofer para umangat agad, 21-13 sa unang yugto at napanatili sa pitong puntos ang bentahe, 39-32 sa first half.

Sa kanilang fiery running game, lumobo ang lamang sa tropa ni coach Jimmy Alapag sa 18 puntos, 71-53 mahigit 2:51 na lang ang natitira sa payoff period.

“We felt like this game was a must-win. We came in and get the job done,” dagdag ni Okosa.

Ang tropa ni Alapag ay umiskor ng mahigit 40 porsyento sa field goal at na-kontrol nila ang rebound kahit wala si Johnson.

Matapos ang naturang panalo, magpapahinga muna ang Alab Pilipinas at muling sasabak laban sa Malaysia Westports Dragons sa Enero 3 sa susunod na taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with