^

PSN Palaro

Hosting ng FIBA event mabigat sa bulsa -- MVP

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Expensive!

Ito ang naisagot ni Sa­ma­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Chairman Emeritus Manny V. Pangili­nan nang tanungin kung mag­kano ang magagastos ng bansa para maitaguyod ang 2023 FIBA World Cup.

Walang ibinigay na ek­saktong pigura si Pangi­li­nan.

Sa halip ay nagbigay siya ng apat na puntos kung anu-ano ang mga pagkakagastusan ng bansa.

“I don't think it is right to be precised about numbers but it has basically four components,” ani Pangilinan.

Una, ang hosting fee na siyang gagastusin sa pag­tataguyod ng torneo.

Ikalawa, ang joint mar­ke­ting commission. Ikatlo, ang strategic partnership kung saan makikipagkasundo ang organisasyon pa­ra sa sponsorship hindi lamang sa lokal na mga kum­panya maging sa mga internatio­nal brands.

Ikaapat, ang profit na ha­hatiin sa FIBA at tatlong bansa - Pilipinas, Japan at Indonesia.

Mapupunta ang 50 percent sa Pilipinas, habang tig-25 porsiyento ang Japan at Indonesia.

Inaasahang tatabo sa takilya ang FIBA World Cup dahil kilala ang Pilipi­nas na ‘basketball loving country’.

Muling iginiit ni SBP pre­sident Al Panlilio na wa­wasakin ng Pilipinas ang 35,000 record attendance sa World Cup dahil kayang punuin ng mga Pinoy fans ang Philippine Arena na may 55,000-sitting capacity.

Gusto ni Panlilio na big­yan ang FIBA ng pi­na­ka­ma­gandang alaala.

“We want to put up the best hosting that FIBA has ever seen.  I know it’s still six years down the road but we have to start our preparations now,” wika ni Panlilio.

Nakapasa ang Philippine Arena at Mall of Asia Arena sa FIBA standards, habang kailangan pa ng Smart Araneta Coliseum ng ilang renobasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with