^

PSN Palaro

Alab Pilipinas reresbak sa Hong Kong

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos mabigo sa u­nang dalawang laro, hangad ngayon ng baguhang coach na si Jimmy Alapag ng Alab Pilipinas ang unang panalo sa mu­ling pakikipagharap sa Hong Kong Eastern sa road game ng 2017 ASEAN Basketball League sa Southorn Stadium sa Wan Chai, Hong Kong.

Ito pa lang ang unang road game ng tropa ni Alapag kaya tiyak sasamantalahin ng Hong Kong Eastern ang home crowd advantage sa kanilang laban sa alas-8 ng gabi.

Makaraang makalusot  laban sa Alab Pilipinas, 92-89 noong Nobyembre 19 sa Mall of Asia Arena, nakisalo sa liderato ang nag­dedepensang Hong Kong Eastern sa Chong Son Kung Fu basketball team ng China sa parehong 3-0 win-loss kartada.

Ang Alab Pilipinas ay pang-pito sa standing kasama ang Formosa Drea­mers sa parehong 0-2 card.

Ang ikalawang talo ng Alab Pilipinas ay sa Singapore Slingers, 83-97  sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex noong Nobyembre 29.

Sa unang pagtatagpo,  nilampaso ng Fil-German na si Christian Standhardinger ang dalawang imports ng Alab na sina Ivan Johnson at Reggie Okosa.

Ang 6’8 na si Standhar­dinger, tatapusin lamang ang anim na buwang kon­trata sa Eastern Lions, ay umiskor ng 26 puntos na may kasama pang 14 rebounds, apat na assists at dalawang steals sa u­nang panalo ng Hong Kong.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with