^

PSN Palaro

Pacman idedemanda ng UFC kung...

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mula sa boxing ring ay posibleng lumaban si Manny Pacquiao sa loob ng korte.

Ito ay matapos magbabala si UFC president Dana White na idedemanda niya ang Filipino world eight-division champion kung direkta itong nakikipag-usap kay UFC superstar Conor McGregor.

Sa panayam ng MMAjunkie ay sinabi ni White na tanging sila lamang ang may karapatang mag-ayos ng anumang laban ng 29-anyos na Irish fighter.

“That would be weird, because (McGregor’s) under contract with us,” pagdidiin ni White. “If that’s true, I will be suing Manny Pacquiao and whoever is representing him.”

Kamakailan ay sinabi ni Pacquiao na hindi pa niya nagagawang i-follow up ang inisyal niyang pakikipag-usap kay McGregor para sa kanilang boxing match sa Abril ng 2018.

Ipinoste ni Pacquiao sa kanyang Twitter account noong Nobyembre 23 ang “Happy thanksgiving, stay fit my friend” na may larawan ni McGregor na nakaupo sa isang sofa at may kasamang hashtag na "realbo­xingmatch."

Walang reaksyon ang UFC lightweight titlist sa naturang pagpaparamdam ni Pacquiao.

Pinabulaanan naman ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na may nangyayaring pag-uusap sa pagitan ng mga kampo nina Pacquiao at McGregor.

“It's total nonsense,” sabi ni Arum sa panayam ng BoxingScene.com. 

Tinalo ni Floyd Mayweather  Jr. si McGregor via tenth-round stoppage para sa unang professional boxing fight ng huli noong Agosto sa Las Vegas, Nevada.

Kumita ang 41-anyos na si Mayweather, bumalik sa aksyon matapos magretiro noong Setyembre ng 2015, ng higit sa $300 milyon sa kanilang boxing fight ni McGregor, nagbulsa ng $100 milyon.

Ang nasabing laban ay kumita ng $55 milyon sa live gate pangalawa sa record na $72 milyon ng upakan nina Pacquiao at Mayweather nong Mayo ng 2015.

Huling lumaban si Pacquiao noong Hulyo 2 kung saan niya naisuko ang suot na World Boxing Organization welterweight crown laban kay Jeff Horn sa Brisbane, Australia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with