^

PSN Palaro

PBA opening tiyak na sa Dec. 17?

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
PBA opening tiyak na sa Dec. 17?

Tinanggap ni Leo Austria ng San Miguel ang Baby Dalupan Trophy mula sa PBA Press Corps bilang Coach of the Year. Kasama sa larawan ang pamilya ng yumaong legendary mentor ng Crispa Redmanizers. (Kuha ni Jun Mendoza)
 

MANILA, Philippines — Hanggang kahapon ay wala pa ring katiyakan kung matutuloy ang itinakdang pagdribol ng 43rd season ng Philippine Basketball Association sa Disyembre 17.

Ito ay bunga ng patuloy na hindi pagkakasundo ng Majority group na binu­buo ng TNT Katropa, Me­ralco, NLEX, Rain or Shine, Blackwater, Alaska at Phoenix at ng minority faction ng San Miguel, Barangay Ginebra, Magnolia (dating Star), Kia at Globalport kaugnay sa estado ni PBA Commissioner Chito Narvasa.

Sa PBA Press Corps Annual Awards Night ka­makalawa ng gabi ay ipi­na­ngako ni outgoing PBA chairman at Party List Representative Mikee Romero na mareresolba ang nasabing isyu.

“Rest assured, the 2018 PBA season will start on December 17,” sabi ng Globalport team owner. “‘Iyan lang po ang marereport ko sa inyo — na tayo sa PBA, ma­ayos po natin ‘to.”

Ayaw ng majority group na bigyan ng bagong termino si Narvasa bilang PBA Commissioner matapos ni­tong payagan ang trade sa pagitan ng San Miguel at Kia.

Ibinigay ng Beermen ang tatlong role players at isang 2018 draft pick para makuha ang No. 1 overall pick ng Picanto.

Ang naturang draft pick ang ginamit ng San Miguel para mahugot si 6-foot-8 Fil-German power forward Christian Standhardinger sa nakaraang 2017 PBA Rookie Draft.

Noong nakaraang ling­go ay isang sikretong pulong ang idinaos ng mga mi­yembro ng PBA Board.

Ngunit wala pa ring na­rating na kasunduan ang ma­jority at minority groups tungkol sa kapalaran ni Nar­vasa.

Hindi dumalo si Narva­sa sa nasabing PBAPC Awards Night kung saan hi­nirang si Leo Austria bilang Coach of the Year sa ikatlong sunod na pagkaka­taon.

Iginiya ni Austria ang Beer­men sa korona ng 2017 PBA Philippine Cup at Commissioner’s Cup.

“I have to keep on lear­ning, and even sa mga grassroots pumupunta pa rin ako at nanonood,” sabi ng tubong Sariaya, Quezon na iniuwi ang Baby Dalupan Trophy.

“There’s something you can pick up from them,” dagdag pa ni Austria.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with