La Salle pumwersa ng Game 3!
MANILA, Philippines – Bumangon mula sa malalim na hukay ang defending champion De La Salle University upang itabla ang serye kontra Ateneo de Manila University, 92-83, sa Game 2 ng UAAP Men’s Basketball Finals sa Araneta Coliseum ngayong Miyerkules.
Nalubog ang Green Archers sa 21 puntos na tambak, 28-49, ngunit bumulusok sa ikatlong yugto kung saan nilimitahan nila ang Blue Eagles sa walong puntos upang dalhin ang serye sa do-or-die match sa Linggo.
Muling pinangunahan ni two-time MVP Ben Mbala ang Taft-based squad sa kaniyang double-double output na 20 points at 16 rebounds, habang bumakas din sina Ricci Rivero, Andrei Caracut at Aljun Melecio ng, 18, 13 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod.
Nasayang ang pasabog ng Blue Eagles na umukit ng 32 points sa opening quarter dahil sa kanilang mainit na three-point shooting.
- Latest