^

PSN Palaro

Jalalon, Pingris at Cone pararangalan ng PBAPC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pagsasaluhan nina Star guard Jio Jalalon at for­ward Marc Pingris at champion  coach Tim Cone ng Barangay Ginebra ang spotlight sa pagdaraos ng PBA Press Corps (PBAPC) ng 24th Annual Awards sa Nobyembre 30 sa Gloria Maris Restaurant sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City.

Kinilala si Jalalon bilang Mr. Quality Minutes, habang sina Pingris at Cone ang mamumuno sa All-Interview team na pararangalan ng mga sportswriters na regular na nagkokober ng PBA beat sa formal affair na inihahandog ng Cignal TV.

Inungusan ni Jalalon sina Kelly Williams ng TNT Katropa, Reynel Hugnatan  ng Meralco at Sol Mercado ng Ginebra para sa nasabing award na itinulad sa Sixth Man Award.

Nagtala si Jalalon ng average na 9.3 points sa kanyang rookie season para sa Hotshots.

Makakasama naman nina Pingris at Cone sa All-Interview team sina Ranidel de Ocampo ng Meralco, Castro ng TNT Katropa, Beau Belga ng Rain or Shine at LA Tenorio ng Gi­nebra.

Ang award ay bilang pagkilala sa mga players, coaches at personalities na nagbibigay ng magagan­dang quotes at palagiang bukas para sa panayam ng mga PBAPC members.

Matatanggap din ni Te­norio ang Order of Merit honor para sa kanyang pina­kamaraming Player of the Week citation sa na­karaang season.

Si Globalport guard Terrence Romeo ang mu­ling kinilala bilang Mighty Sports Scoring Champion sa ikatlong sunod na pagkakataon, habang si top rookie Roger Pogoy ng TNT katropa ang namumuno sa All-Rookie team kasama sina Jalalon, Matthew Wright (Phoenix), Kevin Ferrer (Barangay Ginebra) at Reden Celda (KIA).

Ang pinakatampok sa event ay ang paghirang sa Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year award na ipinangalan sa namayapang mentor na gumiya sa Crispa sa unang PBA Grand Slam noong 1976.

Ang iba pang ipapama­hagi ay ang Danny Floro Executive of the Year award na tribute sa dating Crispa team owner at ang Bogs Adornado Comeback Player of the Year na ipinangalan sa dating three-time MVP at miyembro ng PBA 25 Greatest Players.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with