^

PSN Palaro

Standhardinger bumida sa paghiya sa Alab Pilipinas

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pito lamang ang umiskor para sa nagdedepensang Hong-Kong Eastern Lions pero sapat na para hiyain ang Alab Pilipinas sa homecourt nito  sa bisa ng 92-89 panalo sa pagbubukas ng 2017-2018 Season ng  ASEAN Basketball League noong Linggo ng gabi  sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nag-ambag ng kabuuang 74 puntos sina Filipino-German Christian Standhardinger,  2017 MVP Marcus Elliott at Tyler Lamb para sa magandang umpisa at pagpapahiwatig sa seryosong intensiyon sa asam na back-to-back title.

Ang pinakamabigat na ha­mon sa tropa ni coch Jimmy Alapag ay mula sa 28-anyos na si Standhardinger na umani ng 26 puntos bukod pa sa 14 rebounds, apat na assists at dalawang steals  upang makisosyo sa liderato ka­sama ang CLS Knights ng Indonesia at Chongson Kungfu ng Nanhai, China.

Si Standhardinger na napiling top pick sa nakaraang PBA annual rookie draft ay kasalukuyang tinatapos pa ang nalalabi sa kanyang kontrata sa Eastern Lions.

Umiskor ang 6’8 top PBA rookie na si Standhardinger ng dalawang sunod na jumpers sa krusyal na minuto upang tuluyang pataubin ang mga Pinoy dribblers na kinabibilangan din nina dating PBA stars Dondon Hontiveros at Rico Maierhofer at dating UAAP star Bobby Ray Parks Jr.

Sa ibang laro sa unang araw ng liga, nagwagi rin ang CLS Knights ng Indonesia laban sa Chinese Taipei Formosa Drea­mers, 94-73 noong Sabado sa Kertajaya, Indonesia habang ang Chongson Kung Fu ng Nanhai, China ay nanalo rin kontra sa Singapore Slingers, 83-59 sa Nanhai gymnasium noong Biyernes.

Makakaharap ng tropa ni Alapag ang Singapore Slingers sa susunod na laro sa Nobyembre 29.

Nakadikit ang Pinoys mula sa isang puntos, 89-90 sa free throw ni Parks mahigit 4:10 na lang ang lalabi, ngunit umarangkada agad si Standhardinger ng short jumper para ibalik sa tatlo ang bentahe ng Eas­tern Lions na hindi na nilingon pa.

Pinangunahan ni import Reggie Okosa ang Alab Pilipinas sa kanyang 28 puntos, 12 rebounds at 1 assist .

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with