^

PSN Palaro

Lowry, DeRozan humataw sa Raptors

Pilipino Star Ngayon

TORONTO -- Dinuplika ni Kyle Lowry ang kanyang season high na 22 points at nagdagdag ng 10 assists at 8 rebounds  habang umiskor din si DeMar DeRozan ng 22 markers para banderahan ang Raptors sa 107-84 panalo laban sa New York Knicks.

Ito ang pang-walong sunod na pagdomina ng Toronto laban sa New York.

Naglaro ang Raptors na wala sina injured starters Serge Ibaka (swollen left knee) at guard Norman Powell (right hip) at si reserve guard Delon Wright (dislocated right shoulder).

Nagdagdag si C.J. Miles ng 14 points  para sa Toronto kasunod ang 13 at 11 markers nina second-year forward Pascal Siakam at rookie forward OG Anunoby, ayon sa pagkakasunod.

Kinuha ng Raptors ang kanilang ikatlong sunod na panalo at pinaganda sa 5-1 ang record nila sa kanilang balwarte.

Kapwa naman naglista sina Tim Hardaway Jr. at Kris­taps Porzingis ng tig-13 points  habang may 12 markers si Enes Kanter para sa Knicks.

Sa Cleveland, humataw si James ng 39 points at 14 rebounds sa loob ng 46 minuto para akayin ang Cavaliers sa 118-113 overtime win laban sa Los Angeles Clippers.

Ito ang ikaapat na sunod na arangkada ng Cleveland, habang nalasap ng Los Angeles ang kanilang pang-pitong dikit na kamalasan.

Kumamada si Kevin Love ng 25 markers at nagsalpak ng dalawang 3-pointers sa overtime kung saan naglista ang Cavaliers ng 13 points kumpara sa 8 markers ng Clippers.

Tumipa naman si Dwyane Wade ng 23 points at 11 rebounds sa loob ng 37 minuto para sa Cleveland, may 3-1 record sa kanilang road trip.

Pinangunahan ni Blake Griffin ang bumubulusok na Los Angeles mula sa kanyang 23 points  habang humakot si DeAndre Jordan ng 20 points at 22 rebounds.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with