^

PSN Palaro

Velarde 3 ginto ang kinubra

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

DUMAGUETE, Philippines — Winalis ng 11-anyos na chess player ang kanyang tatlong events habang iginiya ng dating PBA point guard ang Cebu Pro­vince sa gold medal ng boys’ basketball competition sa pagsasara ng 2017 Batang Pinoy Visayas Leg kahapon dito.

Nagposte ng 19 wins at 2 draws, inangkin ni Jerish John Velarde ng Lapu-Lapu City ang mga gintong medalya sa boys’ 12-under blitz, rapid at standard events.

“Hindi po ine-expect na makukuha ko po ‘yong tatlong golds,” sabi ng Grade 5 student ng Marie Ernestine School. “Marami din po kasing magagaling na players.”

Nagsulong lamang si Velarde ng bronze medal sa 2016 Batang Pinoy National Finals sa Tagum City, Davao del Norte.

Sa basketball event, inangkin ng Cebu Province at ng Cebu City ang gold  medal sa boys at girls’ di­vision, ayon sa pagkaka­sunod.

Tinalo ng Cebu Pro­vince ni dating PBA guard Donbel Belano ang Mandaue City, 64-58 habang binigo ng Cebu City ni mentor Darwin Dinoy ang Cebu Province, 56-48 sa kani-kanilang finals game.

Dahil mula sa mga eskuwelahan ng Ateneo, San Carlos, San Jose Recoletos at mga probinsya ng Alegria at Oslo ay apat na beses lamang nakapag-ensayo ang koponan ng 40-anyos na si Belano.

“They followed my instructions. They followed may system kaya maganda naman ang naging resulta,” wika ng 5-foot-10 na si Belano, ang No. 14 overall pick ng Pop Cola noong 1999 PBA Draft at may dalawang PBA championship.

Matapos magretiro sa PBA noong 2010 ay iniluklok si Belano bilang coach ng kanyang paaralang University of the Visayas kung saan niya iginiya ang Green Lancers sa korona ng CESAFI noong 2013 bago siya sinibak sa sumunod na taon matapos mapatalsik sa Final Four.

Samantala, bumandera naman ang Cebu City sa pagpitas ng mga medalya matapos magposte ng 46 gold, 57 silver at 66 bronze medals para ungusan ang host Dumaguete City (41-27-39), Cebu Province (36-37-43), Bacolod City (36-26-38), Iloilo City (29-18-21), Mandaue City (26-19-19), Aklan (19-16-11), Lapu-Lapu City (23-10-18), Leyte Province (19-7-6), Bohol Province (10-10-11) at Zamboanga City (10-1-10).

Sa volleyball, tinalo ng Antique ang Cebu City, 25-21, 19-25, 15-10 at pinatumba ng Bacolod City ang Negros Occidental, 25-11, 25-1 para angkinin ang gold medal sa boys’ at girls’ class, ayon sa pagkakasunod.

Sa softball, dinaig ng Cebu Province ang Cebu City, 10-3, para sikwatin ang ginto sa girls’ category.

Ang Top Five athletes sa bawat sports event ang maglalaro sa Batang Pinoy National Finals sa 2018 sa Baguio City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with