^

PSN Palaro

Dumaguete athletes nagdomina sa BP Visayas Leg

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

DUMAGUETE, Philippines — Pinagtibay ni Carson Francis Hastie ang pamama­yagpag ng host province matapos tumudla ng kanyang ikaanim na gintong medalya sa archery event ng 2017 Batang Pinoy Visayas Leg kahapon.

Tinalo ni Hastie, ipina­nganak sa Alaska, si Zhack Randolf Torreon, 6-0 sa finals ng boys' cub division Olympic round sa Negros Oriental State University.

Idinagdag ni Hastie ang naturang panalo sa nauna niyang paghahari sa 30-meter, 40-meter, 50-meter, mixed team at team events.

Isang araw bago ang pagtatapos ng Visayas Leg ng Batang Pinoy ngayong araw ay kumolekta ang Dumaguete City, naglahok ng 91 boys at 136 girls, ng 27 gold, 17 silver at 23 bronze medals kasunod ang Cebu City (24-33-32), Cebu Province (24-25-33), Leyte Province (19-7-6), Aklan (16-9-6), Bacolod City (14-13-15) at Bohol Province (10-10-8).

Maliban kay Hastie, pumana rin ng tig-anim na gintong medalya sina Don Marc Bondad ng Negros Oriental at Crisha Mae Merto ng Dumaguete City.

Ibinulsa ng tubong Zamboanguita, Negros Oriental na si Bondad ang kanyang pang-anim na gintong medalya matapos talunin si Frazel Ray Ba­tingang Tacloban, 6-2 sa boys' cadet division Olympic round championship.

Nauna nang naghari ang Grade 9 student ng Negros Oriental High School sa 30, 40, 50, 60m at FITA round.

Binigo naman ni Merto, anak ni dating national team member Crizaldo at pamangkin ni 1988 Seoul Olympian Rowell, si teammate Gabrielle Monica Bedaure, 6-5  sa girls cadet division Olympic round title match.

Namayagpag ang Holy Cross High School Grade 8 student sa 30, 40, 50, 60-meter at FITA events.

Sa Gov. Mariano Perdices Memorial Stadium, itinakbo ni Jayvee Alvarez ng Leyte Sports Academy ang kanyang ikaapat na gold medal matapos pamunuan ang kanilang boys' 4x400-meter relay sa pagtatala ng oras na 3:44.3.

Nanalo rin ang 15-an­yos na si Alvarez sa boys' 2,000m, 1,500m at 800m runs para duplikahan ang four-gold medal harvest ni Rick Angelo Sotto sa boys' triple jump (13.57), long jump (6.29m), high jump (1.67m) at sa 4x100m relay (47.3).

Inangkin naman ni Ma­rian Jane Combate ng Leyte ang kanyang ikatlong ginto matapos magreyna sa girls 200m run (25.7).

Sa beach volleyball, hinataw ng Cebu City ang gold medal mula sa mga panalo nina El Kenrick Geromo at Niño Jerome Mahilum sa boys' division at Hannah Hyrah Cabansay at Nathalia Red Labiste sa girls' class.

Sa boxing, tatlo sa wa­long gold medals ang sinuntok ng Leyte mula sa mga panalo nina mosquito Cris Carlos Emnas, pinweight Jilyn Dela Cruz at light flyweight Salvador Caasi.

Nakasingit naman ng dalawang ginto ang Cebu Province mula kina light paperweight JM Andrejas at pinweight Alec Xandhre Bonita.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with