PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

San Beda-Lyceum may kanya-kanyang misyon

Javee Mocon at CJ Perez

MANILA, Philippines — Asahan ang pukpukang laban sa pagitan ng nagdedepensang San Beda College at first-time finalist Lyceum of the Phi­lippines sa NCAA Season 93 mens basketball finals na magsisimula bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Magkaibang misyon ang pakay ng Red Lions at Pirates.

Hangad ng San Beda na mapreserba ang kanilang dominasyon sa liga upang maipagpatuloy ang kanilang dinastiya.

Subalit hindi ito magi­ging madali para sa Red Lions na dumaan pa sa matinding pagsubok bago makatungtong sa finals.

At alam ni San Beda mentor Boyet Fernandez na hindi ito magiging madali para sa kanila.

Panghahawakan ng Mendiola-based squad ang puso at determinasyong mapanatili sa kanilang teritoryo ang korona.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Iba talaga this year dahil mas naging mahirap para sa amin bago kami makapasok sa finals. Last year, twice-to-beat kami. Ngayon, nasa do-or-die kami sa semis kaya tala­gang pinaghandaan namin ito,” wika ni Javee Mocon na siyang bumandera sa 76-71 panalo ng San Beda laban sa San Sebastian Stags sa stepladder semis.

Bumanat si Mocon ng impresibong 23 puntos at 22 rebounds para hatakin ang Red Lions sa ika-12 sunod na finals appearance.

Ngunit ibang usapan na pagdating sa finals.

Kaya naman walang pahinga ang San Beda na agad na nagbalik sa ensayo upang balangkasin ang magiging armas nito laban sa Lyceum.

Sa kabilang banda, nais ng Pirates na gumawa ng sariling pangalan sa liga.

Matapos ang anim na taong pagsalang sa NCAA, umabante sa finals ang Lyceum.

At engrandeng nagawa ito ng mga Pirata matapos makumpleto ang 18-0 sweep sa eliminasyon.

Nagsilbing kapitan ng Lyceum si MVP candidate CJ Perez para maisakatuparan ang inaasam na pagkopo sa finals slot.

“It’s still a long way to go,” pahayag ni Lyceum head coach Topex Ro­binson.

Hindi pa tapos ang mis­yon ng Pirates dahil nais nitong magarbong tuldukan ang kanilang kampanya bitbit ang kampeonatong ilang taon din nilang inaasam.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: