^

PSN Palaro

Lions-Pirates NCAA finale kasado na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mabangis ang inilabas na laro nina Javee Mocon at Robert Bolick upang hatakin ang nagdedepensang San Beda College sa 76-71 panalo laban sa San Sebastian College-Recoletos na siyang naging daan upang makabalik sa finals ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Mainit ang palad ni Mocon na bumanat ng double-double na 23 puntos at 22 rebounds kasama pa ang limang blocks, isang assist at isang steal para manduhan ang pagmartsa ng Red Lions sa finals sa ika-12 sunod na taon sapul noong 2006.

“This was the most crucial game sa amin dahil do-or-die. This is so hard for us. Last year twice-to-beat kami kaya nag-team buil­ding kami. We had tuneup against Alab Pilipinas and nakakuha kami ng confidence doon,” ani Mocon.

Nakalikom naman si Sea­son 92 Finals MVP Ro­bert Bolick ng 21 mar­kers, apat na boards, apat na assists at dalawang steals habang solido rin  ang produksiyon ni Donal Tankoua na may 13 puntos, 11 rebounds at limang blocks.

May pinagsamang 15 markers naman sina AC Soberano at Davon Potts sa hanay ng Red Lions.

Nangibabaw sa panig ng Stags si Jayson David na naglista ng 16 markers at pitong boards samantalang may 15 puntos naman si Ryan Costelo.

Nalimitahan si Michael Calisaan sa 10 puntos sa 27 minutong paglalaro.

Bigong samantalahin ng Stags ang nagawang 20 turnovers ng Red Lions kung saan tanging 10 puntos lamang ang nai-convert nitong iskor.

Sinubukang makadikit ng San Sebastian nang maibaba nito ang kalamangan ng San Beda sa lima, 62-67.

Subalit agad namang rumesponde ang Red L­ions na nagpasabog ng 9-0 run sa likod ni Mocon tungo sa 76-62 bentahe sa huling tatlong minuto ng laro.

Makakasagupa ng San Beda sa best-of-three championship showdown ang Lyceum of the Philippines na awtomatikong umusad sa finals matapos walisin ang eliminasyon.

Lalarga ang Game 1 sa Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with