^

PSN Palaro

Villegas wagi sa Sri Lankan fighter, pasok sa quarterfinals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sumiguro ng tiket sa quarterfinals si Baguio City standout Aira Villegas sa 2017 Asian Boxing Confederation (ASBC) Asian Women’s Boxing Championships na ginaganap sa Nguyen Du Gymnasium sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Armado ng malulupit na kumbinasyon, inirehistro ni Villegas ang unanimous decision win laban kay Jayasinghe Arachchilage Dulani Jaya ng Sri Lanka sa opening round ng flyweight class (48-51 kg.).

Nakuha ni Villegas ang boto ng limang hurado mula sa Kazakhstan, South Korea, India, Chinese-Taipei at Tajikistan para umabante sa susunod na yugto ng torneong may basbas ng International Boxing Association.

Agresibong sinimulan ni Villegas ang laban nang magpakawala ito ng malulupit na right straight na makailang ulit tumama sa mukha ng Sri Lankan fighter.

Naipagpatuloy ito ni Villegas sa second round gamit ang matikas na footwork at magandang depensa.

Sinubukang maka­res­bak ni Dulani Jaya sa ikatlong kanto nang ma­glatag ito ng matikas na atake. Subalit tila napagod ang Sri Lankan na siya namang sinamantala ni Villegas para pakawalan ang ilan pang mababangis na suntok para tuluyang angkinin ang panalo.

Makakasagupa ni Villegas ang magwawagi sa pagitan nina Chuthamat Raksat ng Thailand at Nguyen Thi Tam ng host Vietnam. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with