Foton ‘di kinaya ng Cocolife
MANILA, Philippines — Matapos maunahan sa unang set, bumawi ang nagdedepensang Foton tungo sa 20-25, 25-17, 28-26, 25-18 panalo laban sa Cocolife kahapon para makuha ang ikalawang sunod na panalo sa pagpatuloy ng 2017 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.
Nagtulung-tulong ang dalawang Serbian imports na sina Sara Klisura at Dragana Perunicnic, Jaja Santiago, Maika Ortiz, Jisel Perez at Christine Joy Rosario para manatiling wala pang talo at makisalo sa Petron Blaze sa liderato sa parehong 2-0 win-loss karta.
Makaraang malampasan ng Tornadoes ang dikit na laban sa ikatlong set, 28-26 na umabot ng 34 minuto, naging magaan na ang fourth set na tinapos ni Santiago sa malakas na atake, 25-18.
“We were somewhat lost in the first set. Thanks God, we were able to keep our focus and win this game. I also thank my teammates for helping me win the game. I love this team,” ani Klisura na umiskor ng 17 atake at limang kill blocks sa laro na umabot ng isang oras at 50 minuto.
Samantala, naniniwala si US women’s volleyball head coach Karch Kiraly sa kakayahan ng Pilipinas na magiging malakas sa international arena pagdating ng araw dahil sa pasyon sa sports.
Ayon pa sa three-time Olympic gold medalist na si Kiraly na hindi na kailangan ng Philippine national team na matatangkad din kagaya ng ibang players sa mundo para maging pinakamahusay sa larong volleyball.
“I don’t think you have to be the tallest, the highest jumpers, the most powerfull to be a great volleyball team,” sabi ni Kiraly na siya ring panauhing pandangal sa pormal opening ceremonies kahapon.
Binanggit ni Kiraly ang Asian teams na Japan at Thailand na hindi rin masyadong matatangkad ngunit gumuhit na ng pangalan sa world volleyball.
- Latest