^

PSN Palaro

Bolts itutulak ang serye sa 2-2

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bolts itutulak ang serye sa 2-2

Dinakdakan ni Greg Slaughter ng Ginebra si Meralco import Allen Durham sa Game 3 ng PBA Governors’ Cup Finals. (Jun Mendoza)

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

7 p.m. Ginebra vs Meralco (Game 4, Finals)

MANILA, Philippines — Inaasahang bago mag­simula ang laro ay ka­kamayan ni head coach Tim Cone ng Barangay Ginebra si Meralco mentor Norman Black.

Sa huling 38 segundo ng fourth quarter kung saan hawak ng Bolts ang 13-point lead laban sa Gin Kings ay tumawag si Black ng timeout na hindi nagustuhan ni Cone.

Nang tumunog ang final buzzer ay tumanggi si Cone, ang two-time PBA Grand Slam champion coach, na kamayan si Black na nauwi sa sigawan habang papalabas ng court.

Ayon sa 59-anyos na si Cone, ang PBA coach na may pinakamaraming titulo sa bilang na 19, nabigla lamang siya sa kanyang naging asal at personal na hihingi ng paumanhin kay Black, ang one-time PBA Grand Slam champion mentor.

“I got caught up in the moment and could’ve handled it differently. I apologize, and will do so to him personally,” wika ni Cone sa 59-anyos na si Black matapos ang 94-81 panalo ng Meralco laban sa Ginebra sa Game Three ng 2017 PBA Governor’s Cup Finals noong Miyerkules.

Inaasahang maisa­santabi nina Cone at Black ang hindi nila pagkakaunawaan, ngunit ang matinding bakbakan ng Gin Kings at Bolts ang papagitna sa Game Four ngayong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa naturang panalo ng Meralco ay humakot si two-time Best Import Allen Durham ng 38 points, 20 rebounds, 5 blocks, 4 assists at 2 steals.

Naging rebelasyon din ang kinamadang 22 points ng 38-anyos na si veteran forward Reynel Hugnatan tampok ang 7-of-12 shoo­ting sa three-point range para sa Bolts.

“With Ranidel going out, he obviously has to step up and fill that position which Ranidel occupies. He’s been doing that for me for the last three years so he’s accustomed to doing that already,” ani Black kay Hugnatan.

Nawala si De Ocampo sa first period matapos magkaroon ng torn left calf muscle at tuluyan nang hindi matatapos ang best-of-seven championship series.

Muling aasahan ng Meralco sina Durham at Hugnatan para maitabla sa 2-2 ang kanilang title showdown ng Ginebra, kinuha ang 102-87 at 86-76 panalo sa Game One at game Two, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, pormalidad na lamang ang kailangan para sa pag-angkin ni San Miguel superstar center June Mar Fajardo ng kanyang ikaapat na sunod na PBA Most Valuable Player trophy.

Inaasahang tatanggapin ni Fajardo ang nasabing award  bago pakawalan ang Game Four.

Ang 6-foot-10 na Cebuano giant ang magi­ging ikatlong PBA player na nakakuha ng apat na MVP awards matapos sina Ramon Fernandez (1982, 1984, 1986 at 1988) at Alvin Patrimonio (1991, 1993, 1994 at 1997) at ang kauna-unahang PBA player na hinirang na MVP ng apat na sunod na season.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with