Jacob, Lucile at 19 pa hinirang na MOS sa PSL 123rd Nat’l Series
MANILA, Philippines — May 21 tankers sa pangunguna nina Jacob Ethan Gapultos at Alexi Lucile Gapultos ang itinanghal na Most Outstanding Swimmers sa kani-kanilang age-bands sa Class B-C ng Philippine Swimming League (PSL) 123rd National Series na ginanap sa Diliman Preparatory School swimming pool sa Quezon City.
Pinagharian ni Jacob Ethan ang boys’ 8-year category matapos humakot ng 47 puntos habang namayagpag naman si Alexi Lucile sa girls’ 13-year event nang umani rin ito ng parehong 47 puntos.
Anim na pambato ng Diliman Preparatory School ang ginawaran ng MOS awards tampok ang Cusing siblings na sina Paula Carmela (girls’ 14-year) at Paul Christian King (boys’ 15-over) na nanguna sa kanilang kategorya.
Itinanghal ding MOS sina DPS standouts Kurt Nicolai Peters (boys’ 14-year), Francino Archer Corpuz (boys’ 10-year), John Xavier Saliner (boys’ 9-year) at Ehm Ahmadelle Alavy-Chafi (girls’ 9-year).
Ang iba pang MOS winners ay sina Denise Moira Baui (6-under), Euna Alindayu (7), Alexandra Marie Pedracio (8), Samantha Gail Inkee (10), Tiffany Sanchez (11), Bea Presto (12) at Angelica Mae Medrano (15-over) sa girls at sina Yubert Parto (6-under), Zildijan Villamor (7), Ian Aquino (10), Russel Diwa (11), Lourenz Bautista (12) at Mark Viernes (13) sa boys.
Napasakamay ng DPS tankers ang overall title matapos makalikom ng 728 kabuuang puntos habang pumangalawa lamang ang Grand Villa Swimming Team na may dikit na 707 puntos at ikatlo ang Quezon Killer Whales na may 629 puntos.
Pasok sa Top 10 ang Malabon Swim Club (560), Amoranto Swimming Team (429), Wesleyan College of Manila (405) at Navotas Swimming Team (268).
- Latest