PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

St. Clare kinana ang back-2-back sa NAASCU cagefest

 Ipinagdiwang ng mga St. Clare College-Caloocan players at officials ang kanilang pagkopo sa 2017 NAASCU title.

MANILA, Philippines — Naisakatuparan ng St. Clare College ang minimithing back-to-back titles sa National Athletic Association of  Schools Colleges and Universities (NAASCU) men’s basketball tournament.

Ito ay matapos itarak ng Saints ang impresibong 98-83 demolisyon sa De Ocampo Memorial College sa Game 2 ng best-of-three championship series kahapon sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila.

Nagsanib-puwersa sina Aris Dionisio, Junjie Hallare at Mohamed Pare para tulu-ngan ang Saints na mawalis ang Cobras sa serye at matagumpay na maipagtanggol ang korona - ang kanilang ikatlong kampeonato sa liga.

Nauna nang tinalo ng Saints ang Cobras sa Game 1 noong Lunes sa iskor na 101-79.

Nakalikom si Dionisio ng 20 points at 14 rebounds para tanghaling MVP sa liga habang nagdagdag naman si Hallare ng 20 markers at umani si Pare ng 19 points at 18 boards.

“Salamat din sa lahat ng nagdasal at sumuporta. Inaalay ko po ang game na ito para sa inyong lahat. Congratulations players. Good job,” pahayag ni St. Clare coach Jino Manansala.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang St. Clare ang ikatlong koponan sa liga na may tatlong titulo para makasama sa elite list ang University of Manila at Centro Escolar University.

Si Manansala ang itinanghal na Best Coach.

Pasok sa Mythical Team sina Dionisio, Hallare, Soulemane Chabi Yo (Colegio de San Lorenzo), Dharrel Caranguian (DOMC) at Jonard Clarito (DOMC) habang Rookie of the Year si Jan Formento (CdSL).

Best in Rebounds din si Pare habang Best in Blocks si Dionisio.

Ang iba pang awardees ay sina Caranguian (Scoring Champion), Clarito (Best in Steals) at Irven Palencia (Best in Assists).

Nagkampeon naman sa juniors ang Our Lady of Fatima na nagtala ng 83-79 panalo sa St. Clare sa Game 2 para makumpleto ang 2-0 sweep sa kanilang serye.

Nakaresbak naman ang Rizal Technological University sa Enderun College, 77-74 para maipuwersa ang do-or-die sa best-of-three championship series sa women’s division.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: