^

PSN Palaro

E-Painters lumakas ang tsansa sa Top 4

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas(MOA Arena)

4:15 p.m. Kia vs Star

7 p.m. Globalport vs Meralco

MANILA, Philippines — Alam ni Rain or Shine coach Caloy Garcia ang kahalagahan ng kanilang huling dalawang laro para sa hangaring makuha ang isa sa apat na ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinal round.

At kahit hindi pinaglaro ni Alaska mentor Alex Compton sina Calvin Abueva at Sonny Thoss ay hindi sila  nagkumpiyansa.

“I just told the players that we can’t just come and play Alaska. We’re also lucky that Thoss and Calvin didn’t play today,” sabi ni Garcia matapos ang 112-82 paggiba ng Elasto Painters sa Aces sa 2017 PBA Governor’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ang ikaanim na panalo ng Rain or Shine sa 10 laro ang nagpalakas sa kanilang pag-asa para makapasok sa Top Four sa quarterfinals.

Isinara naman ng Alaska, nagposte ng three-game winning streak matapos ang 0-6 panimula, ang kanilang kampanya sa 3-8 kasama ang dalawang sunod na kamalasan.

Tinapos ng Elasto Painters ang first period bitbit ang 29-23 abante bago humataw sa se­cond quarter para itayo ang 22-point lead, 59-37 laban sa Aces mula sa basket ni Beau Belga sa huling 2:05 minuto nito.

Pinalawig pa ng Rain or Shine ang kanilang kalamangan sa 79-55, sa 6:43 minuto ng third quarter patungo sa 98-61 pag-iwan sa Alaska galing sa tirada ni Ronnie Matias sa 9:48 minuto ng final canto. 

Samantala, hindi pina­lampas ng PBA Commissioner’s Office ang gina­wang pambabato ng bola ni Globalport ace guard Terrence Romeo kay Blackwater import Henry Walker.

Pinagbayad si Romeo ng multang P20,000 dahil sa kanyang ginawa sa kanilang laro noong Linggo sa Ynares Center sa Antipolo City.

Awtomatikong napatalsik sa laro ang 25-anyos na PBA star na nagresulta sa 118-107 pagsibak ng Elite sa Batang Pier.

Kasama ang ipinataw kay Romeo ay umabot na sa P61,000 ang multang iginawad sa mga players at coaches sa season-ending conference.

 Rain or Shine 112 - Bullock 14, Cruz 12, Belga 12, Trollano 11, Tiu 9, Robles 9, Borboran 9, Almazan 7, Yap 6, Ahanmisi 5, Matias 4, King 4, Daquioag 4, Norwood 3, Maiquez 3, Ponferada 0.

Alaska 82 - Henton 20, Dela Cruz 12, Enciso 9, Manuel 9, Pascual 8, Casio 5, Exciminiano 5, Baclao 4, Cruz 3, Galliguez 3, Hontiveros 2, Mendoza 2, Racal 0.

Quarterscores: 29-23; 63-41; 92-61; 112-82.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with