PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bagong import ipaparada ng Gilas

MANILA, Philippines — Bagong mukha ang ipaparada ng Pilipinas sa 2017 FIBA Asia Champions Cup na gaganapin sa Setyembre 22 hanggang 30 sa Chenzhou, China.

Inaasahang isasabak ng Samahang Basketbol ng Pilipinas si Gilas Pilipinas naturalized player prospect Isaiah Austin bilang import sa naturang torneo kasama ang mga mas batang manlalaro gaya nina Kiefer Ravena at Jeron Teng.

Dumating din sa ensayo ng tropa sina Carl Bryan Cruz, Raymar Jose, Achie Iñigo, Jett Manuel, Nigerian Bright Ekhuetie at Kobe  Paras.

Tinanggap ang Pilipinas bilang wild card sa FIBA Asia Champions Cup kung saan nakuha nito ang nabakanteng puwesto ng Sun Rockets Shibuya-Japan na nag-withdraw sa torneo dahil sa hindi tugmang iskedyul.

Kasama ng Pinoy cagers sa grupo ang BC Astana-Kazakhstan, Sarreyyet Ramallah-Lebanon, Mono Vampires-Thailand at PetroChimi-Iran.

Unang makakaharap ng Pilipinas ang BC Astana-Kazakhstan sa Setyembre 22 kasunod ang Sarreyyet Ramallah-Lebanon sa Setyembre 23, Mono Vampires-Thailand sa Setyembre 23 at PetroChimi-Iran sa Set­yembre 26.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nasa kabilang grupo naman ang reigning champion Kashgar-China na mamanduhan ni Gilas Pilpinas natura­lized player Andray Blatche bilang import ng Chinese squad.

Kasama ng China sa grupo ang Al Ahli-United Arab Emirates, ONGC-India, Al Riyadi-Palestine at Dacin Tigers-Chinese Taipei.

Target ng Pinoy squad na makuha ang ikalimang titulo sa FIBA Asia Champions Cup.

Huling nagkampeon ang Pilipinas noong 1996 nang katawanin ng Hapee Toothpaste ang bansa.

Naghari rin ang Pinoy cagers noong 1984 (Northern Cement), 1988 (Swift PABL) at 1995 (Andoks).

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: