^

PSN Palaro

Football teams ng Pinas talsik sa medal round

Pilipino Star Ngayon

KUALA LUMPUR – Tu­luyan nang nasibak sa me­dal round ng football com­petition ang Philippine men’s at women’s teams sa 29th Southeast Asian Games dito.

Yumukod ang National Under-22 booters laban sa nagdedepensang Thailand, 0-2, para sa lkanilang ikatlong sunod na kamalasan (1-3) sa Group B sa MP Selayang Stadium.

Pipilitin ng koponan ni coach Marlon Maro na iba­ling ang kanilang galit sa Timor Leste ngayong alas-4 ng hapon sa UM Arena.

Nakalasap naman ang Mal­ditas ng 0-6 kabiguan sa Myanmar sa Shah Alam Stadium.

May 1-2 baraha, tata­pu­sin ng mga Pinay footbal­lers ang kanilang kam­pan­ya sa pagsagupa sa nag­tatanggol sa titulong  Thailand bukas ng alas-4 ng hapon.

Noong 2015 SEA Games sa Singapore ay nagtala ang National Un­der-22 squad ng 0-4 mar­ka.

Naglista naman ang Mal­ditas ng 0-2 karta no­ong 2013 Myanmar SEA Games.   

Sa ice hockey, giniba ng Philippine team ang Singapore, 7-2, para sa kanilang ika­lawang sunod na panalo sa Empire City Arena sa Da­mansara Perdana.

Sa nasabing tagumpay ay nagkaroon si Nico Cadiz ng dislocated left shoulder, ayon kay team manager Pe­tronilo Tigaronita.

Nauna nang pinataob ng mga Pinoy ang Indonesia, 12-0, sa kanilang ope­ning match noong Lunes.

Nakatakda nilang laba­nan ang host Malaysia ka­gabi bago harapin ang Thailand bukas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with