De Guzman nagdagdag ng 1 silver, 1 bronze
KUALLA LUMPUR – Tuluy-tuloy ang pagragasa nina Kaitlin de Guzman at Reyland Capellan sa gymnastics event ng 29th Southeast Asian Games sa Malaysia International Trade and Exhibition Centre (MITIC) dito.
Makaraang manalo ng tig-isang gintong medalya kamakalawa, kumuha naman ang 17-anyos na si De Guzman ng silver medal sa floor exercise sa kanyang 13.025 points bago kasunod ang bronze medal sa balance beam (12.3 points).
Ang Malaysian na si Farah Ann ang pumitas sa ginto sa kanyang 13.250 points, habang pumangatlo si Rifda Irfanaluthf ng Indonesia sa kanyang 3.000 points sa floor exercise.
Sa balance beam, si Rifda ang nanalo sa ginto sa 13.125 puntos at si Tan Ing Yueh ng Malaysia sa silver sa 13.100 puntos.
“I can’t say how I feel right now. I’m so happy,” sabi ng Texas-raised na si De Guzman, anak ni Cintamoni, ang gold medalist noong 1995 SEA Games sa Chiang Mai, Thailand.
Si Capellan naman ay nakasungkit ng bronze medal sa vault event sa finals ng men’s artistic gymnastics.
Umiskor si Capellan ng 13.975 points.
- Latest