^

PSN Palaro

Blackwater puntirya ang pangatlong sunod na panalo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Matapos ang 0-3 panimula ay dalawang magkasunod na panalo ang itinala ng Elite sa likod ni balik-import Henry Walker.

Sa 92-86 paggupo ng Blackwater laban sa Phoenix ay kumamada si Walker, pumalit sa nagkaroon ng in­ju­­ry na si Trevis Simpson, ng 32 points, 15 rebounds at 5 assists.

Kumolekta naman ang dating NBA player ng 29 ma­r­kers, 15 boards at 6 assists sa 107-106 paglusot ng Elite kontra sa NLEX Road Warriors.

Sa nasabing panalo ay tumapos si point guard Roi Su­mang na may career-high na 32 points, ang 17 dito ay kanyang iniskor sa second period.

“Henry Walker continued to be the inspiration of the whole team,” sabi ni Blackwater coach Leo Isaac sa da­ting reinforcement ng NLEX.

Pupuntiryahin ng Elite ang kanilang ikatlong sunod na ratsada sa pagsagupa sa minamalas na Alaska Aces ngayong alas-4:15 ng hapon sa 2017 PBA Governor’s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa ikalawang laro sa alas-7 ng gabi ay magtatapat naman ang Star at Phoenix.

Target ng Hotshots ang kanilang ikaapat na dikit na panalo para patuloy na solohin ang liderato, habang nasa isang four-game losing skid naman ang Fuel Masters matapos ang 2-0 panimula sa torneo.

Huling naglaro ang Star noong Agosto 4 kung saan saan nagbida si 6-foot-6 forward Ian Sangalang para ta­lunin ang San Miguel, 104-98.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with