^

PSN Palaro

Gilas Pilipinas dale ang 7th place

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kahit papaano ay uuwi pa rin ang Nationals na nakataas ang noo.

Itinakas ng Gilas Pilipinas ang 75-70 panalo  laban sa Jordan para angkinin ang seventh place sa pagtatapos ng 2017 FIBA Asia Cup kagabi sa Nouhad Nawfal Sports Complex sa Beirut, Lebanon.

Nagsilbing bayani ng Nationals sina point guard Terrence Romeo at 6-foot-8 forward Japeth Aguilar nang kumamada ng isang three-point shot at layup, ayon sa pagkakasunod, sa natitirang 12.6 segundo para agawin ang 71-70 abante.

Naagaw muna ng mga Jordanians ang 70-65 kalamangan sa huling 1:47 minuto kasunod ang pagbibida nina Romeo at Aguilar.

Ang turnover ng Jordan matapos ang basket ni Aguilar ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Gilas.

Winakasan ng Nationals ang kanilang sunod na kamalasan, habang nalasap ng Jordanians ang pang-apat na dikit na kabiguan para tumapos sa eight place sa torneo.

Nauna nang natalo ang Gilas sa host Lebanon, 87-106 noong Sabado ng gabi na naglaglag sa kanila sa agawan para sa seventh place sa 12-day, 16-nation meet.

Ito na ang pinaka-masamang kampanya ng Natio­nals sa nakalipas na apat na edisyon ng Asian meet makaraang tumapos sa fourth place sa Wuhan, China noong 2011 at ma­ging runner-up sa Iran noong 2013 sa Manila at sa China sa Changsha noong 2015.

Kinumpleto ng Gilas ang three-game sweep sa Group B matapos pabagsakin ang China, 96-87, Iraq, 84-68 at Qatar, 80-74 para makuha ang outright ticket sa quarterfinals.

Sa quarterfinals ay yumukod naman ang Natio­nals kontra sa South Korea, 86-118.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with