^

PSN Palaro

Ginto sa Asiad sunod na puntirya ni Tabal

Pilipino Star Ngayon
Ginto sa Asiad sunod na puntirya ni Tabal

Mary Joy Tabal

MANILA, Philippines - Mas malalaking torneo ang sunod na pagtutuunan ng pansin ni Mary Joy Tabal na sariwa pa sa matamis na kampeonato sa wo­men’s marathon ng 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nangunguna na ang prestihiyosong 2018 World Half-Marathon na idaraos sa Valencia, Spain sa Marso at ang 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia sa Agosto.

“Yung Asian Games ang next target ko. Yun ang unang Asian Games ko. Nakapag-SEA Games at Olympics na ako kaya paghahandaan ko yung Asian Games naman,” wika ni Tabal.

Sa katunayan, nag­kwalipika si Tabal sa World Marathon Championships sa London subalit nagdesisyon ito na lumaro na lamang sa SEA Games. Parehong Agosto ang iskedyul ng World Marathon at SEA Games.

Bilang paghahanda, muling magsasanay si Tabal sa Tuscany, Italy.

“Maganda ang training ko sa Italy. Sobrang hirap ng training. Sana mabigyan ako ng suporta para maipagpatuloy ko yung training ko doon,” ani Tabal.

Ikinatuwa naman ni Tabal ang pagdating ni Philippine Athletics Track and Field Association President Philip Ella Juico sa kaniyang event.

“Nagulat talaga ako na nandun siya,” ani Tabal.

Hindi pa uuwi ng Pilipinas si Tabal dahil nais nitong namnamin ang kanyang tagumpay kasama ang mga kapwa atleta nitong sasabak sa kani-kanilang laban.

Nais ni Tabal na makasama ang iba pang miyembro ng national athletics team na sinang-ayunan naman ni Juico.

“Ako ang cheerleader nila. I will cheer for them, including our athletes in triathlon. We will win two golds there,” wika ni Tabal.

Sasagutin ng Patafa ang accommodation ni Tabal.

Karaniwan nang pinauuwi agad ang mga atletang natapos na ang kani-kanilang events upang makatipid sa pondo.

“It’s good that she agreed to stay here. At least she can get to cheer her teammates and spend some quality time with them,” ani Juico na umaasang malalampasan ng kanyang tropa ang limang gintong medalyang nakuha nito noong 2015 SEA Games sa Singapore.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with