^

PSN Palaro

Tropang Texters ipaparada ang bagong import vs E-Painters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang linggo lamang silang nakapag-ensayo sa Rain or Shine, ngunit kaagad nakapag-adjust si import J’Nathan Bullock at mga bagong hugot na sina Mark Borboran, Ed Daquioag at Fil-Am free agent Jerramy King.

Tinapos ng Elasto Painters ang kanilang dalawang sunod na kamalasan makaraang talunin ang Kia Picanto, 94-86 noong nakaraang Linggo.

“They only played one week together, but I think mabilis naman silang naka-pick up,” sabi ni Rain or Shine coach Caloy Garcia kina Bullock, Borboran, Daquioag at King.

Si King, ang fourth round pick ng NLEX  noong 2015 PBA Draft, ay nag­laro para sa Long Beach State 49ers sa US NCAA Division I kung saan niya naging kakampi si Phoenix resident import, Eugene Phelps.

Sa nasabing panalo sa Kia ay naglista si Bullock, pumalit kay JD Weatherspoon, ng 20 points at 10 rebounds.

Pipilitin ng Elasto Pain­ters na maiposte ang kanilang pangalawang dikit na panalo sa pagsagupa sa TNT Katropang Texters ngayong alas-6:45 ng gabi matapos ang pagtutuos ng Globalport Batang Pier at Picanto sa alas-4:30 ng hapon sa 2017 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ipaparada naman ng TNT Katropa ang bagong import na si Glen Rice Jr., ang anak ng NBA legend na si Glen Rice.

Ang 26-anyos na si Rice, ang second round pick ng Philadelphia 76ers noong 2013 NBA Rookie Draft, ang sasalo sa naiwang trabaho ni Michael Craig para sa Tropang Texters.

Nagmula ang TNT Ka­tropa sa 107-106 paglusot laban sa Alaska sa kanilang huling laro noong Agosto 4.

Sa unang laro, determinado ang Globalport na makabangon mula sa 108-124 pagyukod sa nagdedepensang Barangay Ginebra noong Hulyo 30 sa pagharap sa Kia, hanap ang kauna-unahan nilang panalo sa torneo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with