^

PSN Palaro

Twin kill sa Phl booters

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon(Shah Alam Stadium)

8:45 p.m.  Indonesia vs Philippines (Men’s)

(UM Arena, Petaling Jaya)

4 p.m. Philippines vs Vietnam (Women’s)

MANILA, Philippines - Nagparamdam ng lakas ang men’s national football team nang gulpihin nito ang Cambodia sa bendisyon ng 2-0 panalo sa pagsisimula ng 2017 Southeast Asian Games football tournament sa MP Selayang Stadium sa Malaysia.

Matinding depensa ang inilatag ng dalawang koponan sa unang bahagi ng laban dahilan upang mauwi sa 0-0 ang first half.

Subalit binasag ni Rey­mart Cubon ang katahimikan nang isalpak nito ang right corner kick sa ika-53 minuto ng laban para makuha ang 1-0 kalama­ngan ng Pinoy squad.

Higit pang ibinaon ng Pi­lipinas ang Cambodia nang pakawalan pa ni Fi­lipino-Japanese Belgira Kouichi ang isang free kick sa ika-73 minuto para tuluyang makuha ang panalo.

Sumulong sa liderato ang Pilipinas sa Group B tangan ang tatlong puntos.

Kasama nito sa unahan ang Vietnam na nagtala naman ng 4-0 panalo laban sa Timor Leste.

Ang panalo rin ang nagsilbing resbak ng Pilipinas sa Cambodian na siyang tumalo sa Pinoy squad sa AFC Under-23 Group qualifiers na ginanap sa Phnom Penh noong nakaraang bu­wan.

Sa women’s division, nakisalo sa selebrasyon ang Malditas nang pabagsakin nila ang host Malaysia, 2-1  sa Shah Alam Stadium.

Galing ang goals ng Pinay squad kina skipper Patrice Impelido at Camille Reyes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with