PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Centeno may tsansa sa ginto

Si national billiards team member Cheska Centeno sa isang torneo.

MANILA, Philippines - Isang solidong plano ang binubuo ng national billiards ang snooker team para mapaganda ang kampanya nito sa 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Mismong sina legendary cue masters Efren ‘Bata’ Reyes at Francisco ‘Django’ Bustamante ang nanguna sa team-building session ng grupo.

Partikular na tinutukan ang bagitong cue master na si Cheska Centeno na ga­ling sa masaklap na kampanya sa World Games sa Poland kung saan siya nata­lo sa semifinals at battle-for-third game.

Abot-kamay na ng Zamboanga City pride ang gintong medalya ngunit natalo siya kay Chen Siming ng China, 6-9, sa semifinals at kay Han Yu ng Chinese-Tai­pei, 3-9, sa battle-for-third.

Naniniwala si Mananquil na dodominahin ng Pinoy cue masters ang men’s at wo­men’s 9-ball events at ang 9-ball doubles.

“The veterans, Bata and Django, do not want it to happen again in the SEA Games. Kaya habang ma­a­ga pa, nag-open forum na sila at tinuruan nila ng ma­­turity si Cheska kasi alam nila na malaki ang potential ng bata na manalo ng ginto,” wika ni Billiards Sports Confederation of the Philippines (BSCP) secretary general Ro­bert Mananquil.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Maningning naman ang naging kampanya ni Carlo Biado sa World Games ma­tapos masungkit ang men’s 9-ball pool singles gold medal.

Makakasama ni Biado sa men’s 9-ball event si Asian juniors champion Jo­hann Cua, habang sina War­ren Kiamco at Dennis Or­collo ang sasalang sa men’s 9-ball doubles event.

Lalahok sina Centeno at SEA Games gold meda­list Rubilen Amit sa 9-ball doubles event.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: