^

PSN Palaro

Batangas, Marinero pupuwesto sa quarters

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pakay ng Batangas at Marinerong Pilipino na maipormalisa ang pag-entra sa quarterfinals sa pagharap sa magkahiwalay na laban ngayong hapon sa 2017 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Makakasagupa ng Marinerong Pilipino ang AMA Online Education sa ala-una habang lalarga ang Batangas kontra Gamboa Coffee Mix sa alas-5. Nakatakda rin ang duwelo ng Racal Motors at Tanduay sa alas-3.

Kasalukuyang may 5-3 ang Batangas habang 5-4 naman ang Marinerong Pilipino.

Sapat na ang anim na panalo para makahirit ng tiket sa susunod na yugto ang dalawang tropa.

Nauna nang nakuha ng Flying V (9-0) at Cignal HD (8-2) ang awtomatikong silya sa semis habang nasungkit ng Tanduay (7-2) ang unang tiket sa quarterfinals.

Nakasakay ang Marinerong Pilipino sa apat na sunod na panalo at umaasa si Skippers mentor Koy Banal na maipagpapatuloy ito ng kanyang bataan upang mabigyan ng magandang kampanya ang kanilang unang pagsalang sa liga.

Aasahan ng Marinerong Pilipino sina Mark Isip, Julian Sargent at Pao Javelona laban sa AMA Online (1-8) na nagnanais na lamang magkaroon ng magandang pagtatapos ang kanilang kampanya.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with