^

PSN Palaro

Curry, 4 pa pumirma na sa Warriors

Pilipino Star Ngayon

SAN FRANCISCO - Ba­gama’t naungusan ni James Harden ng Houston Rockets para sa pagkakaroon ng pinakamalaking kontrata sa NBA history, hindi naman ito nalalayo sa makukuha ni Stephen Curry mula sa Golden State Warriors.

Inihayag ng Warriors noong Martes ang pagkakaselyo ng mga kontrata ng kanilang mga free agents, kasama rito ang $201-million deal ni Curry.

Hindi ibinunyag ng Gol­den State ang detalye ng mga kontrata nina Curry, Kevin Durant, Andre Iguodala, Shaun Livingston, Zaza Pachulia at David West.

Noong Hulyo 1 ay sina­bi ng agent ni Curry sa ESPN na pumayag ang two-time NBA Most Valuable Player na pirmahan ang five-year deal na nagkakahalaga ng $201 milyon.

Ang nasabing kontrata ni Curry ang naunang ikinunsiderang pinakamalaki sa kasaysayan ng NBA.

Ngunit ito ay sinapawan ni Harden nang pirmahan ang $228 million extension para sa Rockets na siya ngayong pinakamalaki sa NBA history.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with