^

PSN Palaro

Ika-3 dikit asam ng NLEX, Phoenix

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang Alaska at Kia, ang Rain or Shine naman ang susukat sa kalibre ng NLEX.

Nasa kanilang pinakamagandang simula sa ilalim ni coach Yeng Guiao, sasagupain ng Road Warriors ang Elasto Painters nga­yong alas-4:15 ng hapon kasunod ang paghaharap ng Phoenix Fuel Masters at Globalport Batang Pier sa alas-7 ng gabi sa 2017 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Binuksan ng NLEX ang kanilang kampanya sa torneo sa pamamagitan ng 112-104 paggiba sa Alaska at 100-93 pananaig sa Kia, habang itinakas naman ng Rain or Shine ang 98-96 panalo kontra sa Globalport para sa kanilang unang laro noong Biyernes.

“They are a tall, ba­lanced team with a lot of seasoned players. We will be severely tested,” wika ni Guiao sa Elasto Painters na magbabandera kina import JD Weatherspoon, nagtala ng 25 points at 15 rebounds sa kanyang PBA debut, 6-foot-8 Raymond Almazan, 6-6 Beau Belga, Jeff Chan, Jericho Cruz at Maverick Ahanmisi.

Tinalo ng Rain or Shine ang NLEX sa dalawang beses nilang paghaharap ngayong PBA season.

“NLEX is playing so well,” sabi ni Elasto Pain­ters mentor Caloy Garcia. “Their players are starting to understand the system of coach Yeng and they have an import who fits them. It’s gonna be a hard game.”

Sa nakaraang 2017 PBA Commissioner’s Cup ay nagtala lamang ang NLEX  ng dalawang panalo na kanilang inilista sa huli nilang dalawang laban.

Sa ikalawang laro, pupuntiryahin din ng Phoenix ang 3-0 panimula sa pagsagupa sa Globalport, ibabandera si Marcus Holloway bilang kapalit ni Jabril Trawick.

Ang dalawang pinabagsak ng Fuel Masters ay ang Picanto, 118-105 at Aces, 95-93 habang nakatikim ang Batang Pier ng 96-98 kabiguan sa Elasto Pain­ters sa una nilang laro na nagresulta sa pagsibak kay Trawick.

“Hopefully our new import can adjust to the PBA style of play and jet lag won’t hit him tomorrow,” sabi ni Pumaren sa tubong Immo, South Carolina na si Holloway.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with