^

PSN Palaro

2019 Manila SEAG kanselado na

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
2019 Manila SEAG kanselado na

PSC Commissioner William ‘Butch’ Ramirez

MANILA, Philippines -  Hindi na matutuloy ang 30th Southeast Asian Games dito sa Pilipinas sa 2019.

Ito’y nangyari matapos ihayag ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez kahapon na binawi na ng Malacañang ang suporta sa hosting ng SEAG na gaganapin sana rito sa Pilipinas sa 2019.

Ayon kay Ramirez,  sinu­latan na niya si Philippine Olympic Committee president Jose Cojuangco na ang kasalukuyang sitwasyon sa Mindanao at ang problema ng terorismo ang dahilan at mas nais ng gobyerno ni Pangulong Rod­rigo Duterte na pagtuunan na lang ang pagresolba sa problema ng Marawi City.

“However, due to the current situation in Min­danao and the problem of terrorism and atrocities, we regret to inform you that we will no longer pushed through with the hosting of the biennial event,” sabi ni Ramirez sa kanyang sulat na may petsang Hulyo 19 at natanggap sa opisina ni Cojuangco sa Philsports Complex sa Pasig City kahapon ng umaga.

Sa inisyal na pagsisiyasat, aabot umano ng bilyong piso ang maaaring gagastusin ng gobyerno sa nakatakdang hosting ng SEAG kaya mas gusto pa ng administrasyon ni Pa­ngulong Duterte na ilalaan na lang ito sa rehabilitasyon ng Marawi at mga karatig na bayang apektado sa gulo ng terorismo.

“It has been resolved, that Government resources be focused in the rehabilitation and rebuilding of Mindanao especially Marawi,” dagdag ni Ramirez sa kanyang sulat.

Nilinaw ni Ramirez na hindi sa kanya nagmula ang final desisyon kundi mula sa Malacañang matapos ang kanilang pagpupulong kasama si Sen. Juan Miguel Zubiri mahigit dalawang linggo na ang nakaraan. 

Bukod sa Marawi, ma­laki rin ang kailangan ng gobyerno para sa pagba­ngon ng mga apektado sa nakaraang 6.5 magnitude earthquake sa Leyte at Ormoc City at ibang bahagi ng Visayas.

“Rest assured that we would always support our national athletes in its quest for medals and honors in the 29th SEAG in Kuala Lumpur this August until 2020 Tokyo Olympics and in the future , we are positive and willing to host the SEAG or any other international sporting events,” aniya.

Sa pag-ayaw ng Pili­pinas sa hosting ng 2019 SEAG, maaari itong kunin ng Bangkok, Thailand, ang ikalawang bansa na nagpahayag ng interesado sa hosting ng naturang biennial meet pagkaraang umayaw ang orihinal na host Brunei Darrusalam.

Ayon naman kay PSC executive-director Carlo Abarquez, maaari pang ituloy ng POC ang hosting ng 2019 SEA Games sa tulong ng private sector.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with