^

PSN Palaro

Roach ‘di nababahala sa lakas ni Horn

Dino Maragay - Pilipino Star Ngayon

BRISBANE, Australia -- Nakita na ni trainer Freddie Roach kung paano tanggapin ni Manny Pacquiao ang suntok ng kanyang kalaban.

At hindi siya magugulat kung muli itong gawin ng Filipino icon sa kanilang upakan ni Jeff Horn sa Linggo dito.

“Possibly, yeah,” sagot ni Roach sa katanungan kung hahayaan ni Pacquiao na maramdaman niya ang suntok ni Horn kagaya ng kanyang ginawa sa laban niya kay Miguel Cotto noong 2009.

“Again, I’ve seen a lot about Manny, and I remember when we’re fighting Cotto, assistant trainer Buboy (Fernandez) was in the corner crying, ‘Manny is on the ropes!’” pagbabalik-alaala ni Roach sa panayam ng media sa isang gym sa loob ng Suncorp Stadium, ang venue para sa title fight nina Pacquao at Horn. “And then Manny came back and I said ‘Manny, I told you not to come to the ropes.’”

Nang matantiya ni Pacquiao ang lakas ni Cotto ay nagtuluy-tuloy ang Filipino boxing star sa kanyang 12th round TKO win.

Inaasahan ni Roach na muling masasaksihan ang naturang tagumpay ni Pacquiao sa pagtataya nito ng suot na WBO welterweight crown laban kay Horn.

Kilala si Horn na may taglay na powerful overhand right, sinasabi ng kanyang kampo na susi niya para pabagsakin ang kaliweteng si Pacquiao. Gusto namang malaman ni Pacquiao kung totoo ang nasabing lakas ni Horn.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with