^

PSN Palaro

Flying V itataya ang katatagan sa Marinerong Pilipino

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Susubukan ng F­lying V na maikonekta ang ikaapat na sunod na panalo sa pakikipagtipan sa mapa­nganib na Marinerong Pilipino sa pagpapatuloy ng 2017 PBA D-League Foundation Cup ngayong araw sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Maghaharap ang Thunder at Skippers sa alas-5 ng hapon habang nakatakda naman ang engkuwentro ng Racal Motors at Wangs Basketball sa alas-3.

Galing ang Thunder sa 13 araw na pahinga ngunit umaasa si coach Eric Altamirano na hindi ka­ka­lawangin ang kanyang bataan.

Kasalukuyang hawak ng Thunder ang liderato matapos makalikom ng tatlong sunod na panalo.

Ngunit matinding pagsubok ang pagdaraanan ng Thunder sa kanilang mga susunod na laro kaya’t nais ni Altamirano na lubos na maihanda ang kanyang tropa.

Matapos ang Marinero, makakasagupa ng Thunder ang Racal at Tanduay --dalawang koponan na may malalim na karanasan at matitikas na lineup.

“The next three games will be very tough for us. We’ll face Marinero, Racal, and Tanduay, so we’ll use this time to prepare and continue being sharp. Hopefully, di kami maging rusty,” wika ni Altamirano.

Inaabangan din ang pagharap ni Thunder forward Gab Banal sa kanyang kapamilya dahil ang kanyang ama na si Joel at tiyuhin na si Koy ay nasa coaching staff ng Marinerong Pilipino.

Sa kabilang banda, pakay ng Alibaba na ma­kabangon mula sa 93-75 kabiguan sa kamay ng Cignal noong nakaraang linggo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with