^

PSN Palaro

Akari-Adamson mapapalaban agad sa Creamline sa PVL opening

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makakaharap kaagad ng Creamline Cool Sma­shers ang baguhang Akari-Adamson Lady Falcons sa alas-4 ng hapon habang magtatapat ang Perlas Lady Spikers kontra sa Philippine Air Force sa alas-6:30 ng gabi sa opening ng 2017 Premier Volleyball League Open Conference sa Hulyo 1 sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Inaasahang pangunahan nina Alyssa Valdez ka­sama sina Jia Morado, Aerieal Patrongon, Collen Bravo, Jamela Suyat, Ivy Remulla, Pau Soriano, Joyce Palad, Aurea Racraquin at Jonalyn Ibesa ang  laban sa Lady Falcons.

Si Morado ay nakasama ulit ang dating Ateneo teammate na si Valdez at coach Tai Bundit sa kanyang bagong team na Creamline Cool Smashers matapos magpasyang  ta­pusin na ang kanyang collegiate stint pagkaraang mabigo kontra sa La Salle sa Finals ng nakalipas na 79th UAAP season.

Dating best setter ng UAAP noong 2015 si Morado at inaasahang isa siya sa mga starters ng Creamline sa kanilang kampanya sa PVL kung saan tumapos sila sa third place sa nakaraang Reinforced Conference.

“So, sa ngayon I’m fo­cu­sing on what I’m doing now which is PVL nga and Creamline. Nu’ng pinili ko naman na magtapos na sa Ateneo, I didn’t say goodbye to volleyball naman talaga eh in general. It was just in the collegiate level that I wanted to say goodbye to,” ani Morado na may na­titira pang isang playing year sa UAAP.

Hangad ngayon ng koponan ni coach Bundit na masungkit ang kanilang unang titulo sa All-Filipino conference.

Samantala, si Rico De Guzman na rin ang bagong head coach ng nagdedepensang Pocari Sweat Lady Warriors.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with