^

PSN Palaro

Pinoy squad kinapos sa FIBA World 3x3

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magarbong tinapos ng Pilipinas ang kampanya nito matapos hiyain ang El Salvador sa group stage ng prestihiyosong 2017 FIBA Men’s 3X3 World Cup na ginaganap sa Parc des Chantiers de I’lle sa Nantes, France.

Naitala ng Pinoy cagers ang 21-14 panalo kontra sa El Salvador sa kanilang huling asignatura ngunit hindi ito sapat para umabante ang Pilipinas sa quarterfinals ng naturang world meet.

Ito’y makaraang igupo ng Slovenia (14-21) ang Pinoy cagers para mahulog sa 2-2 rekord sa Pool B.

Nakuha ng Slovenia (4-0) at host France (3-1) ang dalawang tiket sa knockout stage.

Pumang-apat ang Romania na may 1-3 baraha at ikalima ang El Salvador na walang naipanalo sa apat na laro.

Nanaig ang Pilipinas sa Romania (21-15) ngunit natalo ito sa France sa iskor na 11-22 sa unang araw ng kumpetisyon.

Gayunpaman, umani ng respeto sina Kobe Paras, Kiefer Ravena, Jeron Teng at JR Quiñahan dahil sa impresibong ipinamalas nito sa buong panahon ng torneo.

Sunod na sasabak ang Pilipinas sa World Cup 3x3 18-Under na gaganapin sa Chengdu, China sa susunod na linggo.

Ilalaban ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sina Rhayyan Amsali, AJ Edu, Miguel Gomez De Liano at Encho Serrano.

Pasok ang Pinoy team sa Pool A.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with