^

PSN Palaro

TNT katropa sa game 1

RC - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas (Smart Araneta Coliseum)

7 p.m. San Miguel vs TNT Katropa (Game 2, Finals)

MANILA, Philippines - Wala nang mahihiling pa ang Tropang Texters kay import Joshua Smith.

Muling naglaro na may torn ligament sa hinlalaki ng kanyang paa, isinalpak ni Smith ang isang game-winning jump shot sa huling 1.7 segundo ng laro para ilusot ang TNT Katropa laban sa San Miguel, 104-102 sa Game  One ng 2017 PBA Commissioner’s  Cup Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi rin matatawaran ang kontribusyon ni rookie guard Roger Pogoy na nagsalpak ng apat na three-point shots sa fourth quarter para tumapos na may 27 points.

Nagdagdag din si Pogoy ng 5 rebounds at 3 steals para sa 1-0 abante ng Tropang Texters sa kanilang best-of-seven championship series ng Beermen.

Nalasap ni Smith ang naturang injury sa Game Three ng semifinals series ng TNT Katropa at Barangay Ginebra.

Ang triple ni RR Garcia ang nagbigay sa Tropang Texters ng 98-89 kalama­ngan sa 4:43 minuto ng final canto hanggang makatabla ang Beermen sa 102-102 mula sa dalawang freethrows ni Chris Ross sa nalalabing 7.6 segundo.

Nauna nang itinala ng San Miguel, nasa kanilang ika-38 Finals appearance at target ang pang-24 korona, ang 31-22 abante sa dulo ng first period bago nagpa­kawala ang TNT Katropa ng 18-4 atake para kunin ang 48-40 bentahe sa huling 4:07 minuto ng second quarter.

Dalawang sunod na basket nina Jayson Castro at Moala Tautuaa sa pagbubukas ng third period ang nagbigay sa Tropang Texters, naglalaro sa kanilang pang-17 Finals stint at hangad ang ika-walong titulo, ng 60-51 kalamangan.

Samantala,  pinagha­handaan na ng mga koponan ang darating na Governor’s Cup.

Isa na rito ang Globalport na umaasang makukuha ang serbisyo ni NBA D-League veteran at dating Georgetown University standout Jabril Trawick para sa season-ending conference na magsisimula sa susunod na buwan.

 TNT 104 - Pogoy 27, Smith 21, Castro 14, Garcia 13, Rosario 10, Tautuaa 7, Semerad 5, Williams 5, Rosales 2, Golla 0, Carey 0.

San Miguel 102 - Rhodes 31, Fajardo 18, Cabagnot 16, Ross 11, Santos 11, Lassiter 8, De Ocampo 6, Espinas 1,

Quarterscores: 24-31, 56-51, 75-73, 104-102.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with